Skip to main content

Attention: Halos 5,000 na Job Openings Sa Qatar Para Sa Mga Pinoy

Nais mo bang makapagtrabaho sa ibang bansa para kumita ng mas malaki? Baka eto na ang iyong swerteng pagkakakataon. 

Isang magandang balita ito para sa ating mga kababayan na kasalukuyang nangangailangan ng trabaho. Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), halos 5,000 trabaho ang bukas para sa mga manggagawang Pinoy sa bansang Qatar.

Hindi pa rin daw natitinag ang ekonomiya ng Qatar sa kabila ng patuloy na "diplomatic crisis" nito sa iba pang bansa sa Middle East, paliwanag ng POEA.

Narito ang mga kabilang sa mga trabahong bukas sa Qatar:

  • Nurse - 1,882
  • Electrician/ ship electrician - 1,389
  • Mechanical Engineer - 497
  • Carpenter - 313
  • Laborer - 266
  • Mason - 220
  • Welder - 151
  • Foreman - 61
  • Mechanic - 61
  • Plasterer - 24
Ayon sa POEA offical website, bukod pa sa mga posisyong ito, marami pang ibang job openings sa Qatar na kung susumahin ay aabot hanggang 4,875.

Aabot sa 1,700 Qatari rials o mahigit 23,000 pesos ang starting salary para sa mga welder at iba pang construction worker.

Ang sahod kapag mechanical engineer o electrician naman ay nasa 6,000 Qatari rials o mahigit 80,000 pesos.

At pinaka in-demand pa rin ang mga nurses na maaaring sumahod ng 3,200 Qatari rials o 40,000 pesos pataas. 

Ayon pa sa POEA, tuloy-tuloy ang pagbubukas ng mga trabaho sa Qatar dahil kaliwa't kanan ang mga proyektong ginagawa  doon dahil magiging host ang bansa sa Fifa World Cup sa taong 2022. 

Ngunit marami ang nangangamba na matitigil ang mga proyekto dulot ng pagputol ng Saudi Arabia at nang apat pang Gulf countries ng diplomatic at economic ties sa Qatar dahil hindi pa rin nareresolba ang isyu simula noong Hunyo. 
Pero ayon sa POEA, mukhang hindi apektado ang ekonomiya ng Qatar kung pagbabasehan ang dami ng job openings sa bansa.

Hindi na rin daw kailangan pang pumunta sa opisina ng POEA ang mga aplikante na nais mag-apply sa mga trabaho sa Qatar dahil makikita ang lahat ng ito sa kanilang website. 

Nakalagay din daw sa www.poea.gov.ph kung sino-sino ang mga accredited na recruitment agency na humahawak ng mga job order.










Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…