Sino nga ba ang hindi nakaranas ng sobrang pagod at pagkaantok sa kanyang buhay? At ang mahirap pa, na kahit anong pilit nating manatiling gising, ay tila ang mismong mga mata natin ang pumipikit sa sobrang pagkaantok.
Paano na lang nga ba kung ikaw ay nasa trabaho at ikaw ay isang taxi driver na kasalukuyang ipinagmamaneho ang sakay na pasahero patungo sa kanyang pupuntahan. At sa kasasagsagan nang inyong biyahe ay bigla kang dinalaw ng antok. Sasabihin mo ba sa pasahero na humanap na lang siya ng ibang masasakyan? Kung ikaw ang pasahero, magagalit ka ba dahil ikaw ay naabala o maiintidihan mo ang sitwasyon?
Isang post ang nag-viral sa social media tungkol sa naranasan ng babaeng ito na si Christina Tan.
Habang pauwi siya sa bahay ay napagusapan niya at ng driver kung gaano na raw ito katanda at kung gaano na katagal bilang isang taxi driver.
Nasabi na 70 years old na raw ito at simula pa noong Marcos era ay nagmamaneho na siya ng taxi. Sa ganoong edad ay dapat naka retiro na si tatay, ngunit kinailangan daw niyang maghanap-buhay dahil may mga anak pa siyang sinusuportahan.
![]() |
Photo Credit: Christina Tan / Facebook |
Sa mga ilang sandali, sinabi ng driver na humanap nalang ang babae ng ibang taxing masasakyan dahil malayo-layo pa ang biyahe nila at dinalaw siya nang sobrang pagkaantok.
Naisip ni Christina na baka wala na siyang ibang masakyang taxi o baka kung ano ang maaaring mangyari sa kanya kung siya ay bababa. Kaya nagkusa itong siya nalang ang magmaneho.
Noong una ay hindi makapaniwala ang driver dahil baka hindi alam i-drive ni Christina ang manual transmission na sasakyan. At nahihiya narin ito dahil sa kanyang sobrang pagkaantok habang nasa trabaho, pero nag-magandang loob pa rin ang babae.
Ilang minuto lang noong magpalit sila ng lugar ay nakatulog agad ang driver na tila'y pagod na pagod dahil sa ganoong edad ay dapat nagpapahinga na lamang siya sa bahay.
Hindi rin makapaniwala si Christina na kahit isa siyang pasahero ay naidrive niya ang taxi sa kagustuhan na lang nitong makauwi.
![]() |
Photo Credit: Christina Tan / Facebook |
Matapos ay pinost niya ang kanyang kakaibang karanasan noong araw na iyon sa Facebook.
Hindi niya inakala na marami ang humanga sa kanya at nagbigay ng mga positibong komento dahil sa pagintindi niya sa matanda. At imbes na magalit siya dahil naabala siya bilang isang pasahero ay nagmagandang loob pa ito sa kanyang kapwa.
Kung ikaw ang nakaranas nito, gagawin mo rin ba ang ginawa ni Christina?
Source: buzz.definitelyfilipino.net
Comments
Post a Comment