Ang buhay ng isang jeepney driver ay hindi madali. Sa kasagsagan ng init ng araw, kailangan nilang kumayod para pumasada, maghatid ng pasahero, magmaneho ng pabalik-balik sa kanilang ruta, maningil ng bayad at magsukli. Sila rin ay na-eexpose sa iba't ibang uri ng polusyon gaya na lang ng matinding usok dulot ng mga sasakyan.
Lahat anng ito ay kanilang tinitiis makapag hanap buhay lang, para matustusan ang kanilang pangangailangan. Sa katapusan ng araw, minsan ay hindi pa sapat ang kanilang napasada para iuwi ito sa kanilang pamilya.
Isang post ang nagviral sa Facebook, nang magkaroon ng ibang karanasan sa pagsakay ng jeep ang dalawang estudyante na papasok na sa iskwela. Nasakyan nila ang jeep na ito na pa Baclaran-Alabang ang ruta.
Napansin nila na sa tuwing may magbabayad ng 100 piso ay ibibinabalik nito ng driver sa nagbabayad at binibigyan na lang niya ito ng libreng sakay.
Noong una, inakala nila na baka wala lang siyang pang sukli. Pero laking gulat nila nung nagpakarga ito ng gas sa isang gasoline station at ang pinambabayad ay 200 piso na puro tig babarya.
Nagtataka sila kung bakit ganoon na lamang ang nangyari kaya't natanong nila ang driver ng jeep.
Inamin niya na kapag mayroong nagbabayad daw sa kanya ng papel na pera lalo na't mga malalaking halaga, ay nalilito daw ito.
Dahil hindi raw ito nakapag-aral kahit minsan, kaya hindi siya marunong magbilang. Ginagawa niya na kapag may magbabayad sa kanya ng malaking halaga ay nililibre na lang niya ito sa kanyang jeep.
Inamin niya sa sarili niya na may pagkukulang din siya sa pamamasada dahil nga hindi niya alam ibigay ang sukli kapag malaking halaga na ang iniabot sa kanya.
Naantig ang puso ng dalawang estudyante dahil sa sinabi ng driver. Lalo na't patuloy pa rin siyang nagsusumikap maghanap buhay kahit alam niyang maraming kita ang nawawala sa kanya.
Nang muling inalok nila ang bayad, ay tinanggihan ito ng driver at sabi, " Wag na ok lang, mag-aral na lang kayong mabuti."
Noong nagviral ang post na ito, marami ang humanga sa driver. Ang iba ay nagalok na tulungan siya. Mayroon ding nagsabi na pwede nilang turuan si tatay na magbilang. Para lahat ng kinikita niya ay mapupunta sa kanya.
Source: buzz.definitelyfilipino.net
Comments
Post a Comment