Skip to main content

Lalaking May Kapansanan: Hindi Naging Hadlang Ito Para Kumayod



Naranasan mo na bang sumagi sa isipan mo ang mga salitang, "Tinatamad na akong magtrabaho!" At imbes na sa nagtatrabaho ka nalang ng mabuti ay dinadaan mo pa ito sa puro reklamo. 

Isipin mo na lang ang dinaranas nang taong ito araw-araw. Hindi madaling magtinda sa kalye, lalo na't mainit at maraming sasakyan. Mas lalong hindi madali ang maglako ng paninda kung ikaw ay may kapansanan.

Ayon sa Facebook post ng isang netizen na si A. Sabalza, laking gulat niya ng makita nya ang lalaking ito na hindi naging hadlang sa kanyang patuloy na paghahanap buhay araw-araw ang kanyang kapansanan.


Ayon sa kanya, ang lalaking ito ay nagtitinda ng buko salad sa mga kalye ng Bagong Silang, Caloocan City. Ngunit anong kapansin-pansin sa kanya ay ang nakawheel chair siya habang naglalako ng paninda. 

Kung makikita mo, ang wheel chair nito ay kakaiba. Dinugtungan ito ng bubong na may takip na tarpaulin at isang kahoy ang inilagay sa kanyang harapan na nagsisilbing patungan ng kanyang ice chest na may lamang buko salad. 

Ayon sa netizen, kadalasan niyang nakikita ang lalaking ito na nagpapakahirap araw-araw na kumayod para lang may pang tustos sa pamilya. At sa mga gustong tumulong ay matatagpuan lamang siya doon sa nasabing lugar kung saan siya naglalako ng paninda. 



Nang maipost ito sa Facebook ay agad itong nagtrending. Marami ang nagpost ng positibong komento at sinasabing dapat ay parangalan ang lalaking ito sa pagsusumikap niyang magtrabaho kahit na ito ay may kapansanan. 

Tumatayong isang mabuting halimbawa si kuya sa ating lipunan. Sana ay maging inspirasyon siya sa lahat tao, na kahit siya ay may kapansanan ay hindi ito naging hadlang upang gampanan niya ang kanyang mga responsibilidad sa buhay.

Source: kami.com.ph



Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…