Skip to main content

VIRAL: Lalake Muntik Masagasaan Nakuhanan Sa Dashcam ng Sasakyan



Kuha sa isang dashcam ng isang sasakyan ang ginawa nang lalaking ito na animo'y parang nagpapasasaga sa mga dumadaan na sasakyan. Ang pangyayaring ito ay nangyari sa may Alabang Viaduct sa Muntinlupa noong Miyerkules ika-13 ng Setyembre. 

Ayon sa GMA report, nakuhanan ito ng YouScooper na si Melvin Enriquez habang tinatahak nya ang nasabing lugar. Mula sa gilid ng kalsada, ay bigla na lang itinapon ng lalaking ito ang kanyang sarili sa gitna ng daan at umaarteng tila nasagasaan. 

Buti na lang at agad itong napansin ng driver ng sasakyan kaya agad itong nakapag preno bago pa man tuluyang masagasaan ang lalaki. Biglang tumayo ang lalaki na animo'y nagagalit sa nagmamaneho at tinuturo ito dahil hindi natuloy ang binabalak niyang modus. 
Isa namang traffic enforcer and nakakita sa buong insidente. Kaya naman noong tanungin ang lalaki kung ano ang kanyang ginagawa ay wala itong nabigay na maayos na sagot. Patuloy na humihingi ng tawad ang lalaki sa driver ng sasakyan at kanilang nalaman na isang modus operandi pala ito. 
Ang maiksing video na ito ay unang inupload sa official Facebook page ng GMA News. At umabot sa mahigit 180,000 views, 5100 likes at 2,111 shares. 

Isang netizen naman ang nakakita ng video at nagcomment ito, sinasabing na-experience na rin niya ang kaparehong insidente. Ngunit buti na lang ay mayroong isang MMDA enforcer na hinabol ang taong gumawa nito. 

Marami din ibang netizens ang nagbigay ng kani- kanilang komento ukol sa pangyayari. Ang iba ay nagsabi kung gaano kaimportante ang magkaroon ng dashcam sa sasakyan.
Kayo, naranasan niyo na rin ba ang mabiktima ng ganito klaseng modus? Ipagbigay alam agad ito sa kinauukulan upang maiwasan ang anumang krimen at aksidente sa daan.

Source: www.tnp.ph



Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-