Kung may nakita kang isang seksing nakasuot ng bikini o swimsuit sa beach o resort ay siguradong mapapalingon ka. Paano na lang kung sa isang fast food restaurant mo ito nakita na hindi naman "usual" na nakikita na sinusuot ng mga tao kapag kakain sila.
Talaga namang agaw-pansin ang sinuot ng isang customer na ito habang nagoorder siya ng kanyang pagkain sa isang fastfood chain na Jollibee. Kita naman na manghang-mangha ang mga ibang customers na nakakita sa kanya kaya siya pinagtitinginan.
Ipinost ang maiksing video sa facebook at umabot ito sa halos 1 million na views sa mga netizens.
Kinilala ang taong nasa video na si Riri Santorini na umano'y kasama ang mga kaibigan niyang sina Aljan Dasalla Adolfo sa nasabing restaurant habang kinukuhanan siya ng video.
Malinaw na ginawa lang nila ito para sa katuwaan o "prank" at tila naman pati mga tao na nakakakita ay tuwang-tuwa dahil nadala ni Riri ang pagsusuot ng isang seksing one piece swimsuit.
Ano sa tingin niyo? Hindi ka rin ba masho-shock kapag nakakita ka ng isang customer na swimsuit lang ang suot sa isang restaurant?
Source: buzz.definitelyfilipino
Comments
Post a Comment