
Si Dennis Padilla ay kilala bilang isang komedyante noong ito ay nasa showbiz industry pa. Ang masayahin na si Dennis ay mayroon din palang panghihinayang na nararamdaman.
Naging emosyonal ito sa isang guesting niya sa "Tonight with Boy Abunda", nang ibinahagi niya ang pinagsisisihan niya kanyang buhay.
Ayon kay Dennis, "Yung mga growing up years ng mga bata, I was not there. For many years, 'di ko napa experience kina Julia, Claudia at Leon na binibihisan ko sila tapos hinahatid sa school. At nung naghiwalay na kami, 'di ko na experience na katabi sila sa pagtulog. 'Yun ang pinakamahirap na part ng paghihiwalay."
Inamin rin ng komedyante na ang dasal na lang niya ngayong ay sana ang mga anak naman niya raw ang mag reach out sakanya. "For many years ako 'yung laging nag reach out dun sa mga anak ko. Sana dumating yung taon or time na sila naman ang magreach out sakin."
Ibinahagi din nito na noong mga panahon hindi siya nakapagbigay sa mga anak dahil wala siyang trabaho. Ibinahagi na ngayon ni Dennis na maayos na ngayon ang kanyang relasyon sa mga anak.
Isang natutunan din nito ay ang, "dapat dahan dahan mo silang lapitan at hindi agresibo sa paghingi ng oras nila."
Humingi na rin ito ng tawad sa mga anak at sa Panginoon sa mga panahong wala siya.
Maliban sa mga anak niya kay Marjorie Barreto, ay may dalawa rin siyang anak sa bago niyang asawa.
Source: definitelyfilipino
Comments
Post a Comment