Kilala naman natin lahat kung sino si Michael Jackson. Ang pinaka sikat na singer/entertainer sa buong mundo na tinaguriang, "King of Pop" dahil sa mga sumikat niyang mga kanta noon gaya ng Beat it, Thriller, Billy Jean, Smooth Criminal at iba pa.
Sa kasawiang palad, taong June 2009 nang siya ay pumanaw dahil sa cardiac arrest. Buong mundo ang nagdalamhati noon dahil sa pagkawala ng isa sa mga pinakamagaling na entertainer sa industriya.
Isang post naman ang nag viral sa social media na Twitter nang pinost ng isang user sa pangalang Gossip Grill ang isang letrato ng lalaki na kamukhang kamukha ng namayapang King of Pop na si Michael Jackson.
Nakilala bilang Lourdes ang pangalan ng babae na nagpost, at sinabi sa caption niya na, "Y'all my man is so cute, look at the selfie he just sent me."
Ang mga nakakita ng post na ito ay manghang-mangha dahil sa pakakahawig niya kay Michael Jackson. Dahil dito marami ang mga nagbigay ng komento sa lalaki. Ang akala ng mga netizens ay may relasyon si Lourdes at ang lalaking ito dahil may isang nagcomment at sinabing, "Sis you dating the king of pop."
Ngunit sa bandang huli ay nagpaliwanag ito at sinabing, "I posted the picture to be funny and I didn't think so many people would see it and believe it."
Ayon sa mga report, nakilala ang lalaki bilang si Sergio Cortes, isang Spanish musician at kilala bilang impersonator ni Michael Jackson sa Brazil. Bilang isang performer na magaling sumayaw at kumanta, karamihan sa mga pineperform niya ay ang mga hit songs ng King of Pop.
Kung pagbabasehan ang mga letrato ay talagang hindi mo mawari kung sino ang totoong Michael Jackson. Ang sa kaliwang letrato ay si Sergio, sa kanan naman ay si Michael Jackson.
Sa kaliwa ay i Michael Jackson at si Sergio naman sa kanan.
Kayo na ang bahalang humusga, kaloka ba o kalook-alike?
Source: tnp
Comments
Post a Comment