Akala ng karamihan na kapag ikaw ay mangingibang bansa at doon magtatrabaho ay makakapamuhay ka na ng mayaman. Ang hindi nila alam na hirap, sakripisyo at tatag ng loob ang puhunan mo para lang kumita ng pera na ipangbubuhay mo sa iyong pamilya.
Ang mga tinuturing na "bagong bayani" ng henerasyon, walang iba kung hindi ang mga Overseas Filipino Workers o OFW kung tawagin. Dahil sa kakulangan ng trabaho dito sa Pilipinas, napipilitan ang ibang mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa para lang masustentuhan ang kani-kanilang pamilya.
Kanya-kanya ang kapalaran ng bawat Pilipinong manggagawa sa ibang bansa. Ilan dito ay maayos na nakakapagtrabaho, ang ilan dito naman ay nakakaranas ng pang-mamaltrato.
Isang netizen ang nagshare nang post na ito sa Facebook at nagviral sa social media, dahil sa diumanong nakakaawang nakita niya sa namamasukang katulong sa kaibigan ng amo niya.
Makikita sa larawan na kung paano tinitiis ng babaeng ito ang matulog sa matigas at malamig na naka-tiles na sahig na walang sapin na telang kumot o kahit komportableng unan man lang.
Gamit lang ang kapirasong plastic, ito ang kanyang ginagawang sapin at pangkumot. Kung tutuusin, maaari siyang magkasakit dito dahil pumapasok ang lamig sa kanyang katawan.
Ibinahagi ng netizen ng kumuha ng letratong ito na kung pwede ay ipaabot ito sa Department of Foreign Affairs o Philippine Embassy upang matulungan ang nasabing babae.
Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, matitiis mo pa ba ang hirap na kanyang pinagdadaanan sa pakikipagtrabaho sa ibang bansa?
Source: tnp
Comments
Post a Comment