Sunshine Cruz: Sinagot Ang Isang Netizen Sa Pag Comment Ng Tungkol Sa Ex-husband Na Si Cesar Montano
Taong 2013 nang maghiwalay ang dalawang artista na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano. At ngayong limang taon na silang hiwalay ay mayroon pa ring mga fans na nanghihinayang sa relasyon ng dalawa.
Si Sunshine at Cesar ay nagkaroon ng tatlong babaeng anak na sina Angelina, Samantha, at Francheska at ngayon ay malalaki na sila. Tila nakapag-move on na rin ang kanilang ina na si Sunshine at nakahanap na nang bagong lovelife na si Macky Mathay. Siya rin ay may tatlong anak sa dating asawa na si Camille Fariñas.
Mukhang masaya na ang kani-kanilang buhay. At nitong nakaraang weekend ay nagpost si Sunshine sa kanyang Instagram account na nagbakasyon sila sa isang resort at nagbonding sila kasama ang mga anak at mga anak din nang kanyang boyfriend.
Ngunit sa kabila ng lahat ng masasayang mga larawan ay isang netizen ang nagcomment sa isang photo na tila paghihinayang niya sa ex-husband nito na si Cesar Montano.
Mapapansin sa sagot ni Sunshine sa netizen na parang ayaw na niyang balikan ang nakaraan ng kaniyang dating asawa dahil masaya na ito sa kanyang buhay bilang isang single mom. At sinabi na nakapagadjust na silang lahat sa dating pangyayari ng kanilang paghihiwalay.
Nitong mga nakaraang araw din ay may isang basher ang nagkomento tungkol sa mga dating naging karelasyon ni Sunshine at ito rin ay sinagot ng aktres.
Siguro para sa kanya, "past is past" kaya wag na sanang ungkatin ng ibang tao ang hindi naman talaga nakakaalam ng tunay niyang pinagdaanan noon.
Comments
Post a Comment