Skip to main content

6 Na Mabisang Home Remedies Para Sa Pantanggal Ng Singaw!



Ano ang singaw o "Canker sore"?


Ang singaw ay maliit na pabilog na sugat o ulcer sa bibig, dila, loob ng pisngi o labi. Sobrang sakit at hapdi nito lalo na kapag ito ay natatamaan kapag nagsasalita o kumakain.


Maaaring hihigit pa sa isa ang pagkakaroon nito. Karamihan ay nagkakaroon ng singaw at ang iba ay regular pa nga na natutubuan nito.
Narito ang mga home remedies na maaari ninyong subukan upang mawala ang inyong singaw:

1. Pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin
Ang asin ay may kakahayang magpatuyo ng singaw. Samantala, ang maligamgam na tubig ay nakakatulong magbigay ng ginhawa sa bibig.

Magpakulo ng isang basong tubig. Haluan ito ng isang kutsarang asin. Gawing pang mumog/gargle.


2. Lagyan ng baking soda ang singaw
Gumawa ng paste gamit ang baking soda. Sa pamamagitan ng paglagay ng kaunting tubig sa isang kutsarita ng baking soda, ihalo ito ng mabuti hanggang sa maging paste. Pagkatapos ay ipahid ito sa singaw na parang ointment. 
3. Gamit ang agua oxygenada o hydrogen peroxide
Ang singaw ay isang uri rin ng sugat. Pwedeng gamutin ito gamit ang hydrogen peroxide o agua oxygenada na mabibili sa mga grocery stores o botika.

Ihalo ang dalawang kutsara ng hydrogen peroxide sa kaparehong dami ng tubig. Ihalo ng mabuti at ipahid sa singaw gamit ang bulak.


4. Mag-ngata ng yelo o ice chips
Ang lamig ng yelo ay nakakatulong para maibsang ang pananakit at pamamaga ng singaw. Kumuha ng ice cube at ngatain ito na parang kendi. 


5. Magpiga ng Vitamin E capsule at ipahid sa singaw
Ang oil sa loob ng vitamin E capsule ay nakakatulong sa pag-alis ng pananakit at nararamdamang pagkairita na dulot ng singaw. Pigain ang isang capsule ng vitamin E. Ipahid ang oil sa apektadong parte na may singaw. Gawin ito 3x a day.
6. Kumain ng yogurt
Ang pagkain ng yogurt ay naglalaman ng probiotics na nakakatulong sa pagpagaling ng mga singaw. Ang malamig at smooth texture nito ay nakakapagtanggal ng paghapdi nito.













Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-