Skip to main content

Mga Natural na Lunas sa Almoranas o Almuranas: Sanhi, Lunas at Remedyo




Ang Almoranas o Hemorrhoids ay ang kondisyon kung saan namamaga ang mga ugat sa palibot ng butas ng puwet o anal opening.

Ang Almoranas o Almuranas ay maaaring tumubo sa loob o sa labas ng puwet. Ang Almoranas sa labas ng puwet ay ang pangkaraniwan at lubhang nakakasagabal sa mga gawai araw-araw. Narito ang sanhi ng Almoranas na dapat mong malaman:

1. Sobrang pag-ire kapag nagbabawas
2. Pag-upo sa toilet seat ng matagal na panahon
3. Pagiging constipated ng matagal na panahon
4. Pagkakaroon ng kapamilyang may almoranas
5. Edad na may 50 at pataas
6. Maari rin dahil sa pagbubuntis



Mayroong mga Over-the-counter na gamot na maaaring mabili upang mabawasan ang pamamaga.

Maaari mo ring subukan ang mga natural na paraan na ito:



1. Maligamgam ng Tubig





 Magpakulo ng tubig at ilagay ang maligamgam na tubig sa batya o palanggana. Umupo sa tubig at ibabad ang almoranas ng 15-20 minutes araw araw upang mabawasan ang pamamaga.


2. Dahon ng Bayabas



 Magpakulo ng dahon ng bayabas at palamigin ito ng kaunti hanggang maging maligamgam. Ilagay sa batya at umupo sa pinakulong dahon ng bayabas ng 10-15 minutes dahil ito ay may anti-inflammatory properties na mabilis makapagpagaling ng sugat.


3. Coconut Oil






Ipahid ang kaunting patak ng coconut oil sa Almoranas upang mabawasan ang dryness at pananakit nito.

4. Aloe vera



Kunin ang gel sa loob ng aloe vera at ipahid ito sa namamagang ugat o almoranas. Maari ka rin bumili ng aloe vera gel at palamigin ito sa refrigerator at ipahid sa iyong almoranas. Mayroon itong soothing effect para maibsan ang pamamaga.


5. Ice Pack 


Maarin ka din gumamit ng Ice pack. Maglagay ng yelo sa tela at idampi sa almoranas upang mawala ang pamamaga at pananakit nito.

Paano Maiiwasan ang Almoranas?

- Uminom ng madaming tubig
- Kumain ng pagkain na mayaman sa fiver
- Huwag umiri ng matagal
-Iwasan ang pag-upo ng matagal sa toilet upang hindi magkaroon ng pressure sa mga ugat na nakapalibot sa puwet.

Bagaman ang almoranas ay napakasakit, hindi naman ito nakakamatay at kadalasang nawawala ito.


Paalala: Ang mga natural na lunas na ito ay hindi pamalit sa medical advice ng inyong physician. Makakabuting magpakonsulta parin sa inyong doktor kung hindi sigurado sa gagawing lunas.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl