
Ang Alzheimer's Disease ay isa sa mga kinakatakutan na neurodegenerative na sakit sa utak. Ito ay hindi nakakahawa. Ngunit ito ay isang progresibong sakit sa utak na nakamamatay.
Ito ay sumisira sa mga cells ng utak na siyang dahilang ng pagkawala ng memorya, panlalabo ng pag-iisip, pagkakaroon ng problema sa pagsasalita, hirap sa pagtanda or pag-alala ng mga kaganapan, mahinang concentration, hirap sa pag-aaral ng bagong bagay, at pag-iiba ng ugali na nakakaapekto sa pisikal na katawan.
Narito ang mga maagang sintomas upang malaman kung ang isang tao ay mayroong Alzheimer's:
1. Memory loss
Isa ito sa mga pinaka-common na sintomas ng Alzheimer's. Kadalasan ang mga sariwang ala-ala ang unang nawawala. Kagaya nalang ng pagkalimot sa mga simpleng gawain tulad ng pagsarado ng pinto o pagtanggal ng saksakan sa plantsa.
2. Pagbabago sa personalidad
Ang taong may Alzheimer's ay nagkakaroon ng pagbabago sa personalidad kagaya ng pag-iwas sa pakikihalubilo sa mga tao.
3. Pagbabago sa mood
Habang lumalala ang sakit, humihina ang kakayahan nilang mag-isip ng tama. Nagiging depressed, mapaghinala, palaaway o matatakutin.
4. Problema sa pagsulat at pakikipag-usap
Nahihirapan silang makipag-communicate sa ibang tao. Maaaring titigil na lang sila bigla sa pagsasalita dahil hindi na nila mawari kung ano ang tamang sasabihin.
5. Pagkalito sa oras at lugar
Nawawala ang memorya nila sa mga petsa at lugar. Minsan ay nakakalimutan na lamang nila paano sila nakapunta sa isang lugar.
6. Kahirapan sa abstraktong pag-iisip
Sila ay nagkakaroon ng problema sa paningin lalo na sa pagbabasa, distansya, at kulay na maaaring magdulot ng problema sa pagmamaneho.
7. Kahinaan sa pagdesisyon
Hindi na nila kayang magdesisyon ng tama. Kahit ang mag-ayos ng sarili ay hindi na nila magawa.
IMPORTANTE: Kung napansin niyo ang mga warning signs na ito ay mas makakabuting magpasuri agad sa doktor. Mahalaga din na malaman ang impormasyon na ito upang matukoy at mapaghandaan ang mga dapat gawin.
Comments
Post a Comment