Madalas ka bang ihi ng ihi tuwing gabi o umaga? Panay ba ang iyong pag-ihi na nakaka apekto na sa iyong pag tulog?
Mayroong maraming rason kung bakit ihi ka ng ihi. Narito ang ilang sanhi nito at kung paano ito mareremedyuhan.
1. Posibleng mayroon kang Overactive Bladder
Ang overactive bladder ay ang karaniwang nangyayari kapag nagkakaroon ka ng involuntary contraction sa iyong mga muscles na nakapalibot sa iyong bladder.
2. UTI (Urinary Tract Infection)
UTI o impeksyon sa pantog o sa lagusan ng ihi. Malalaman mo kung ang sanhi ng iyong pag-ihi ay UTI kung sa tuwing ikaw ay umiihi, maaaring may kasamang kirot sa pag-ihi.
3. Posible din dahil sa Diabetes
Isa ring sanhi kung ang iyong kapamilya ay may Diabetes. Karaniwang sintomas ng diabetes ay ang pag-ihi ng ihi ng walang tigil tuwing gabi. Mas mainam na magpatingin sa doktor kung kayo ay may mataas na asukal sa dugo.
Maraming posibleng dahilan ng iyong pag ihi tulad ng pagbubuntis, impeksyon, o problem sa prostate sa lalaki. Ang mahalaga ay kung madalas mo ito nararamdaman at hindi mapigilan, mas mainam na magpakonsulta.
Narito ang ilang lunas at tips sa mga hindi makatulog dahil ihi ng ihi:
1. Uminom ng maraming tubig simula 6 am ng umaga hanggang 6pm lamang ng gabi. Importanteng limitahan ang pag inom ng likido matapos ang 6 pm upang mailabas na ito bago kayo makatulog sa gabi.
2. Iwasan ang paginom ng al@k, kape o softdrinks
Ang mga caffeinated na inumin o al@k ay hindi maganda sa inyong pantog. Kadalasan ito ang sanhi kung bakit madalas kayong naiihi.
3. Kumuha ng dahon ng sambong, dahon ng tanglad at dahon ng pandan. Pakuluan ang mga dahon na may halong tubig ng 15 minutes at inumin ito sa umaga.
4. Uminom ng supplement na may magnesium
Ang magnesium ay nakakatulong upang bawasan ang bladder muscle spams at tumutulong ito upang ilabas lahat ng ihi sa iyong pantog. Nmagunit ikonsulta muna ito sa inyong doktor.
***Importanteng magpatingin sa doktor kung sa tingin niyo ay abnormal na ang iyong pag-ihi ng madalas sa gabi.
Comments
Post a Comment