
Ang Blood Pressure ay ang pwersa ng daloy ng dugo sa ating mga arterial walls. Kapag mas maliit ang inyong mga ugat or arteries, mataas ang tyansa na ang blood pressure ay tataas din.
Ang normal na blood pressure (BP) ay hindi tataas sa 120/80. Kung sakaling tumaas ito sa normal na BP, ikaw ay makakaranas na ng hypertension o pagka-high blood.
May dalawang paraan upang makaiwas sa pagtaas ng presyon. Una ay ang pagbabago ng lifestyle, pangalawa ay ang pag-inom ng gamot.
Narito ang ilang mga natural na lunas at tips upang maiwasan ang pagkakaroon ng high blood pressure:
1. Pagbabawas ng timbang
Ang pagkakaroon ng sobrang timbang ay pinapataas din ang tyansa na magkaroon ng mataas na BP. Ayon kay Dr. Willie Ong, kung ang iyong timbang ay bababa ng 10 pounds, ang inyong presyon ay bababa din ng 10 points.
2. Umiwas sa maalat na pagkain
Kung ikaw ay mahilig sa pagkaing maalat kagaya ng junkfoods, instant noodles, tuyo at sawsawan kagaya ng patis at toyo mataas ang tyansa mo na magkaroon ng high BP. Dahil tumataas ang sodium sa iyong katawan, nahihirapan ang inyong mga kidneys na alisin ang extrang tubig na sa inyong katawan.
3. Magkaroon ng sapat na tulog
Kailangan ng ating katawan ang 7-8 oras na pahinga. Dahil ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog ay nagdudulot ito ng stress sa katawan.
4. Mag ehersisyo o exercise
Ang pag kakaroon ng tamang ehersisyo 30 minuto hanggang 1 oras tatlong beses kada isang linggo ay nakakabuti sa ating katawan. Ito rin ang mabisang paraan upang magbawas ng timbang.
5. Iwasan ang ma-istress o palaging magalit
Ang pagkakaroon ng matinding emosyon kagaya ng pagkagalit ay pinapataas ang stress level sa inyong katawan pati na rin ang inyong blood pressure.
6. Magpahinga at limitahin ang gawaing nakakapagod
Ang pagtatrabaho ng sobra-sobra ay nakakapagdulot din ng stress sa ating katawan. At ang stress ay nakakapagpataas ng presyon. Kaya huwag pipilitin kung hindi kaya o subukan munang magpahinga bago ipagpatuloy ang gawain.
7. Huwag magbilad sa mainit na araw
Ang mainit na panahon katulad kapag summer ay hindi lamang nakakapagdulot ng heat stroke kundi pati na rin ang pagtaas ng presyon sa karamihan ng mga tao. Ugaliing uminom ng maraming tubig at umiwas sa mga maiinit na lugar upang hindi magdulot ng high blood.
8. Uminom ng gamot
Kapag hindi na normal ang inyong blood pressure, mas mainam ng magpasuri agad sa doktor. Huwag basta basta iinom ng mga over-the-counter na gamot. Humingi ng reseta sa doktor at sundin ang mga payo ukol sa paginom nito.
Comments
Post a Comment