
Ano ba ang Eczema?
Ang eczema o atopic dermatitis ay isang sakit sa balat kung saan ang apektadong balat ay nagiging makati, mapula, magaspang, tuyo at minsan ay nagkakaroon ng blisters o pagsusugat. Maaaring maapektuhan kahit sinong lalaki at babae, bata man o matanda.
Hindi pa rin matukoy kung bakit nagkakaroon ang isang tao ng eczema ngunit eto ang mga possibleng sanhi nito: genetics, abnormal function ng immune system, sa kapaligiran, mga gawain na nagiging sanhi sa pagiging sensitive ng balat, depekto sa skin barrier ng ating katawan.
Narito ang mga sintomas ng pagkakaroon ng eczema:
1. Pamumula at pangangati
2. Pangangati ng apektadong balat lalo na sa gabi
3. Ang pagkamot nito ay nagreresulta sa pagkapal ng balat
4. Ilang lugar sa apektadong balat ay namamaga at nagsusugat
5. Ang balat na may eczema ay nagiging dry
Narito ang mga natural na tips upang gamutin ang sakit sa balat na eczema:
1. Umiwas sa mga common allergens
Ito ay ang mga pollen, alikabok, mga balahibo ng hayop, o mga pagkain na maaaring maging sanhi ng allergic reaction.
2. Iwasan ang tuyong hangin
Kapag gumagamit ng airconditoner, gumamit ng humidifier sa loob ng kwarto. Ang humidifier ay nagrerelease ng moist sa hangin.
3. Umiwas sa sobrang init o sobrang lamig na lugar
Ang mabilis na pagbabago ng temperatura ay nagiging sanhi ng pakakaroon ng tuyong balat. Iwasan ito dahil maaari lamang itong ma-trigger ang pagkakaroon ng eczema.
4. Iwasan ang paggamit ng matapang na produkto
Ang paggamit ng matapang na sabon o iba pang skin care products gaya ng shampoo at lotions ay nagdudulot ng allergies at nagiging sensitive ang ating balat.
5. Iwasan ang pagsuot ng masikip, magaspang at makakating damit.
Ang mga telang kagayang ng wool ay maaaring maging sanhi ng pagka-irritate ng balat. Gumamit ng malalambot na tela gaya ng cotton.
6. Patuyuing mabuti ang katawan sa maingat na paraan
Gumamit ng malinis na tuwalya sa pagpapatuyo ng katawan. Iwasan din na magasgas ang mga parte ng balat na may eczema dahil mangangati ang mga ito.
7. Iwasang ang pagkamot sa mga sugat ng eczema
Ang pagkakamot sa mga sugat ng apektadong balat ay maaaring magdulot ng pagkalala ng kondisyon at maaaring kumalat pa ito sa ibang parte ng inyong katawan. Kung hindi kayang pigilang ang pagkakamot, takpan ng tela ang mga eczema o magsuot ng gloves sa gabi upang mabawasan ang pinsala na dala ng pagkakamot.
8. Gumamit ng topical creams o ointments
Magpareseta sa doktor sa kung ano ang dapat na ipahid na gamot sa mga lumalalang eczema. Huwag basta basta magpahid ng kung ano-anong ointment dahil baka lalo lang itong lumala at kumalat.
IMPORTANTE: Mas mapapabuting magpasuri din sa doktor upang malaman ang kondisyon ng inyong balat.
Comments
Post a Comment