Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2018

5 Herbal Na Gamot Para Sa Sakit Na Diabetes!

Ang diabetes ay isa sa mga pangmatagalang sakit na nararanasan ng karamihan sa mga Pinoy. Ang sakit na ito ay maaaring namamana o nakukuha lang dahil sa pamumuhay o sa mga pagkaiing kinukonsumo.
Ito ay isang seryosong kondisyon na nangangailangan ng atensyong medikal at patuloy na pangangalaga upang hindi ito lumala.
Narito ang mga halamang gamot na pwede mong subukan na makakatulong upang kontrolin ang sakit na diabetes:
1. Bawang
Ang pagkain ng hilaw na bawang ay nakakatulong pababain ang cholesterol level, high  blood at blood sugar level sa iyong katawan.
Paano gamitin: Kumain ng isa hanggang 2 pirasong butil ng hilaw na bawang araw-araw.
2. Sibuyas
Nakakatulong ang pagkain ng sibuyas sa pagpapababa ng mga "bad" cholesterol sa katawan na sanhi ng pagiging mataba. 
3. Ampalaya
Isa ang ampalaya sa mga pinakamabisang halamang gamot para sa may mga diabetes. Ito kasi ay may active ingredient na Polypeptide-P, Momordicin, at Charantia na may kakayahang pababaing ang blood sugar…

7 Sintomas Ng Pagkabaog Sa Mga Lalaki Kaya Hindi Makabuntis

Isang malaking pagsubok sa buhay ng mag-asawa ang makabuo ng bata lalo na kung isa sa kanila ay baog. Kadalasan, akala ng marami na kaya hindi mabuntis ang isang babae ay dahil may problema ito sa kanyang katawan para magdalang-tao. Ngunit pwede rin na ang lalaki ang may problema sa kanyang kakayahang makabuntis. 
Ang mga sintomas ng pagkabaog sa mga lalaki ay hindi napapansin minsan. Ngunit kung nais niyo na talagang makabuo ng sanggol ng inyong asawa ay dapat mo nang ikabahala ito lalo na kung nararanasan mo ang mga sintomas na ito ng pagkabaog
1. Pamamaga ng bayag
Ang varicocele ay isang kondisyon kung saan ang mga ugat na nakapalibot sa bayag ng lalaki ay namamaga. Kung napapansin niyo na may bukol o pamamaga ng inyong testicles ay agad ng magpasuri sa doktor dahil baka hindi lang ito sintomas ng pagkabaog kung hindi mas malalang s4kit.
2. Maliliit na b@yag
Ang pagliit ng b@yag ay maaring sintomas ng pagkabaog dahil hindi kaya ng iyong katawan na maglabas ng sapat na semilya upan…

8 Na Masamang Epekto Sa Katawan Na Dulot Ng Pag-inom Ng Softdrinks!

Nakasanayan nang ibang tao na pagkatapos kumain ay sasabayan ito ng pag-inom ng softdrinks. Lalo na kapag ito ay malamig at nagyeyelo. Nagdudulot kasi ito ng satisfaction sa iyong kinain at kaagad kang magdidighay pagkatapos mong inumin ito.
Ngunit sa kabilang ng sarap at tamis ng softdrinks ay nagdudulot ito ng masamang epekto sa ating katawan. Ayon pa sa isang pag-aaral na ang isang taong regular na umiinom ng softdrinks ay mas mataas ang tyansang dapuan ng mga sakit.
Narito ang mga rason kung bakit mo na kailangang iwasan uminom ng softdrinks:
Nakakasira ng ngipin
Mataas ang acid content at asukal sa mga softdrinks. At dahil dito ang mga inuming ito ay sinisira ang enamel sa ngipin na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng cavities o sira sirang ngipin.

Obesity o sobrang katabaan
Bukod sa mataas ang sugar content ay madami din itong calories. Kaya kung mahilig kang uminom nito ay mahihirapan kang magpapayat at mas tataas ang tyansa mong tumaba o maging obese.

Pagkakaroon ng mga sakit sa ba…

Paano Mawala ang Sobrang Pagpapawis ng Kili-Kili

Madalas bang pinagpapawisan ang inyong kili-kili? Nababahala na ba kayo sa sobrang pagbasa ng iyong kili-kili at nawawalan ka na ng kumpyansa sa sarili? May mga taong pinagpapawisan nang sobra kahit hindi naman mainit dahil maari na rin sa isang kondisyon na "hyperhidrosis" kung saan nagpapawis ng sobra ang isang tao.
Maraming dahilan ang sobrang pagbabasa ng kili kili kaya naman inilista sa artikulong ito ang mga sanhi ng pagpapawis ng kili kili at kung paano mo ito maiiwasan.

Narito ang ilang dahilan ng pagpapawis ng inyong kili-kili:

* Stress at pagkabalisa  * Kape, tsaa, at soft drinks ay isa rin sanhi dahil ito ang nag-aactivate sa nervous system para pagpawisan * Ang regular na exercise ay maaari rin sanhi ng mabilis na pagbasa ng kili kili dahil sa regular na nareregulate ang temperatura ng katawan * Hyperhidrosis o ang kondisyon na kung saan isang parte ng iyong katawan ay may sobrang pagpapawis na maaaring dulot ng thyroid problem, side effect ng gamot, o obesity


Paa…

Kumain ng 2 Itlog Bawat Araw! Narito ang Rason Kung Bakit ito Benepisyal Para sa Kalusugan!

Alam niyo ba na marami kayong benepisyo makukuha sa pagkain ng itlog? Ayon sa mga eksperto, sinasabi na ang itlog ay makakabuti sa ating kalusugan kung tayo ay kakain nito ng 2 o 3 sa isang araw. 

Sa pagkain ng mga itlog, kaya nitong palitan ang mapanganib na kolesterol ng malusog na kolesterol sa katawan.

Narito ang 5 rason kung bakit benepisyal ang pagkain ng 2 itlog sa isang araw:


1. Nakakatulong sa ating utak o brain Cells


Ang itlog ay may nutrient na choline, ito ang isang pinakaimportanteng nutrient na kailangan ng ating utak. Kapag kayo ay kumain ng 2 itlog sa isang araw, makakakuha ng sapat na nutrient ang inyong katawan at makakatulong ito para hindi kayo magkaroon ng choline deficiency na maaring magdulot sa memory loss.


2. Makakatulong sa mata


Ayon sa mga eksperto, ang itlog ay mayaman sa lutein at zeaxanthin na makakatulong sa ating 'retina' sa mata. Ang pagkain ng 2 itlog sa isang araw ay nakakatulong din magpababa na magkaroon ng katarata.

3. Makakatulong sa pagprotek…

Hirap ka bang Makadumi? Narito ang Lunas o Remedyo Para sa Constipation!

Nahihirapan ka bang makatae o makadumi? Alam mo ba na kapag ang bituka natin ay naipunan ng dumi o tae na di naiilabas ay maari itong pagpugaran ng toxins, bacteria, fungi at kung ano-anong mikrobyo na maaring bumutas sa lining ng bituka.

Mga Dahilan o Sanhi ng hindi pagdumi o pagtigas ng inyong dumi:

1. Pagkain ng sobrang dami sa isang meal. Ito ang karaniwan na dahilan ng pagtigas ng iyong tae, kapag sobra sobrang ang inyong kinakain, nahihirapan kayong matunawan agad.
2. Kulang o walang sapat na fluid o tubig na iniinom sa isang araw.
3. Pagkain ng mga processed food, junk food, dairy food o pagkain na unhealthy.
4. Kakulangan sa pagkain na mayaman sa fiber .
5. Pagpapalipas ng pagdumi o pagpigil ng tae.



Ano ang Lunas o Remedyo sa pagiging constipated?

1. Uminom ng Prune Juice tuwing umaga at bago hapunan. Maari kang bumili sa supermarket ng mga organic prune juice na maari mo inumin para makatulong sa iyong pagdumi.


2. Uminom ng 2-3 litrong tubig sa isang araw. Mas maganda kung hy…

Tips Kung Paano Mo Pakikisamahan Ang Iyong Boss!

Bilang isang empleyado, kailangan mong makisama sa mga katrabaho mo lalo na sa iyong boss. Maswerte ka kung ang boss na natapat sayo ay mahinahon at mabait. Pero kung hindi mo mawari ang ugali at mabilis uminit ang ulo, tiyak na isa ito sa mga magiging dahilan sa mga pahirap mo sa trabaho.
Upang magustuhan ka, kailangan ay magiwan ka ng magandang impresyon sa kanila, matutong mag-adjust, at makisama. Kung gusto ka ng iyong boss, magiging magaan ang iyong trabaho. Kaya paano mo ba dapat pakikisamahan ang iyong superior? Narito ang mga tips na pwede mong subukan:
1. Maging kalma Kung ang boss mo ay mahilig magpahiya at manigaw ng empleyado, huwag mo siyang patulan dahil unang-una, BOSS siya at wala kang magagawa doon. Ang mabuting gawin ay maging kalmado ka pa rin sa pakikipag-usap at baka sakaling mag-tone down din ang kanyang boses.

2. Ingatan ang galaw sa trabaho "First impression lasts," ika nga. Maging maingat sa trabaho lalo na kung ang boss mo ay agad kang nakikitaan ng …

Mga Dapat na Malaman at Iwasan Para sa Mga May Sakit sa Bato

Isa ka ba sa mga nakakaranas ng sakit sa bato? Malamang ikaw ay nakaranas na ng pananakit nito at pansamantalang bumabagal ang pang araw araw mong gawain dahil sa pagkirot ng iyong nararamdaman. May mga paraan pa na maari mong gawin upang makontrol ang sakit sa bato at huwag na itong humantong sa kidney failure. Paraan Para Maiwasan at maprotektahan ang sarili sa Sakit sa Bato: 1. Uminom ng Maraming Tubig Ugaliin ang pag inom ng 8-10 basong tubig araw araw. Kung ikaw ay mayroon ng sakit sa bato, mas mainam na uminom ka ng 2-3 litrong tubig kada araw. Ito ang pinakamadaling paraan upang maiwasan ang paglala ng sakit sa bato. Madadalas ang iyong pag-ihi na makakatulong upang maalisa ng toxinsa sa katawan. 2. Kumain ng Prutas na Mayaman sa Vitamin C Kumain ng mga citrus fruits dahil ang mga ito ay masagana sa vitamin C na nakakatulong upang malabanan ang sakit sa bato. Makakatulong din ang pagkain ng gulay tulad ng bell pepper, sibuyas at repolyo. 3. Ugaliin ang pagdumi araw araw Ang pagdumi n…

Top 5 Na Dahilan Kung Bakit Nauuwi Sa Hiwalayan Ang Mag-asawa

Madami nang naging kaso ng "failed marriage" sa panahon ngayon. At eto rin ang dahilan kung bakit madami nang pamilya ang nawasak. 
Kung minsan, hindi lang ang mag-asawa ang naaapektuhan kung hindi pati na rin ang ibang miyembro ng pamily at lalo na ang mga anak. Heto ang mga top 5 na rason kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang mag-asawa.
1. Pagkakaroon ng extramarital affairs o kabit Isa sa mga pinakamasamang magagawa mo sa iyong asawa ay ang mangaliwa, pambabae, o manlalaki. Ang inyong pagsasama ay nabuo sa pagmamahal at "tiwala" at kapag ang pundasyong ito ay nasira, mahirap na itong maibalik. 
Ang pangagaliwa ay hindi lang ibig sabihin na nakikipagtalik ka sa iba, kapag nagkaroon ka ng "love affair" o relasyon sa ibang tao bukod sa iyong asawa, isa na itong paraan ng panloloko. At eto ang pangunahing dahilan kung bakit nasisira ang inyong pamilya.
2. Pagkawala ng interes Mayroong ibang tao na mas matimbang ang tingin nila sa pisikal na kaanyuan. Kung ang …

Mga Paraan Para Maiwasan Ang Pag-aaway Niyong Mag-asawa!

Imposible na ang dalawang taong magkarelasyon ay hindi nag-aaway. Dahil sa pagkakaiba-iba ng kinalakihan, paniniwala, at opinyon, natural lang na minsan ay hindi magkaunawaan.
Pero kung ang bangayan niyo ay nakakaapekto na sa inyong relasyon, mga anak at pamilya, maaaring mauwi ito sa hiwalayan. Kung ayaw mong mangyari ito, mayroon pang pag-asa upang maisalba ang inyong relasyon. 
Narito ang ilang mga tips upang maiwasan ang pag-aaway ninyong mag-asawa o mag-syota:
1. Mag-usap ng maayos Komunikasyon ang isa sa mga importanteng pundasyon ng isang masayang relasyon. Kaya kung mayroon kayong problema, makakabuti na pag-usapan niyo muna ito ng masinsinan bago manisi kung sino ba ang may kasalanan. Iwasan din ang pagsisigawan dahil mas ma-iistress lamang kayong pareho. 
2. Matutong makinig Ang masayang relasyon ay ang pagkakaroon ng mabuting pakikinig at pag-unawa. Imbes na kontrahin agad ang sinasabi ng iyong asawa matuto ka munang makinig sa kanyang sasabihin. 


3. Matutong magpasensya Kung…

Epektibong Tips Para Maiwasan Ang Heat Stroke at Heat Exhaustion Sa Tag-init!

Sa tindi ng init ng panahon ngayon lalo na kung summer, ay hindi maiwasan ng karamihan na makaramdam ng sobrang init sa kanilang katawan o tinatawag na heat exhaustion.
Ito ay isang warning condition na sinasabi na sobra na ang init sa katawan ng taong nakakaranas nito at kung hindi ito naagapan kagaaad ay maaaring mapunta sa mas malalang sakit na heatstroke. Ito ang pag-ooverheat ng katawan na kinakailangan ng agarang atensyong medical dahil maaaring makaapekto sa utak.
Eto ang mga senyales na ang isang tao ay tinamaan ng heat exhaustion at heat stroke.
* Pagkauhaw * Matinding pagpapawis * Panghihina at panlalambot * Muscle cramps * Pananakit ng ulo * Pagkahilo * Pagkahimatay o pag-collapse
Narito ang mga dapat gawin sa taong nakakaranas ng heat exhaustion at heat stroke:

1. Pumunta sa malilim o malamig na lugar
Kung ikaw ay nasa mainit na lugar at nakaranas ng heat exhaustion o heat stroke, makakabuting pumunta sa isang malimlim na lugar. Pwede ring pumasok sa kwartong naka-aircon u…