Skip to main content

5 Herbal Na Gamot Para Sa Sakit Na Diabetes!




Ang diabetes ay isa sa mga pangmatagalang sakit na nararanasan ng karamihan sa mga Pinoy. Ang sakit na ito ay maaaring namamana o nakukuha lang dahil sa pamumuhay o sa mga pagkaiing kinukonsumo.

Ito ay isang seryosong kondisyon na nangangailangan ng atensyong medikal at patuloy na pangangalaga upang hindi ito lumala.

Narito ang mga halamang gamot na pwede mong subukan na makakatulong upang kontrolin ang sakit na diabetes:

1. Bawang

Ang pagkain ng hilaw na bawang ay nakakatulong pababain ang cholesterol level, high  blood at blood sugar level sa iyong katawan.

Paano gamitin: Kumain ng isa hanggang 2 pirasong butil ng hilaw na bawang araw-araw.

2. Sibuyas

Nakakatulong ang pagkain ng sibuyas sa pagpapababa ng mga "bad" cholesterol sa katawan na sanhi ng pagiging mataba. 

3. Ampalaya

Isa ang ampalaya sa mga pinakamabisang halamang gamot para sa may mga diabetes. Ito kasi ay may active ingredient na Polypeptide-P, Momordicin, at Charantia na may kakayahang pababaing ang blood sugar level. 

Paano gamitin: Pwedeng lutuin at kainin ang bunga ng ampalaya. O kaya ay kumuha ng dahon ng ampalaya at durugin. Pakuluin ito at salain. Inumiin ito na parang tsaa.

4. Okra

Ang okra ay may natural na anti-diabetes properties na mabisang nagaabsorb ng asukal mula sa iyong mga bituka. Kaya naman ito nakakatulong pababain ang iyong sugar level. 

Paano gamitin: Kumuha ng 4-5 okra. Hiwain sa dalawa. Ibabad sa baso ng tubig at iwanan buong gabi. Kinabukasan ay pisilin ang natirang laman nito sa pinagbabarang tubig at inumin ang iyong okra water.
.

5. Sambong

Mabisa ang sambong hindi lamang sa pagtanggal UTI pati na rin sa pampabagal mag-absorb ng ating katawan ng carbohydrates. 

Paano gamitin: Ilaga ang dahon ng sambong. Gawing itong tsaa sa umaga kapalit ng kape. 

Paalala: Maaaring ang mga halamang gamot na ito ay makakatulong sa iba na may sakit na diabetes o kailangan lang ng mas mahabang gamutan. Kung hindi sigurado, mas makakabuting magpasuri muna sa doktor tungko; sa iyong kondisyon. 



Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl