Skip to main content

5 Home Remedies Para Sa Diaper Rashes




Karaniwan sa mga sanggol ang pagkakaroon ng "rashes" o diaper rash kung tawagin. Ito ay ang pagkakaroon pula at makakating pantal-pantal sa bahagi ng kanilang pwet, singit, o sa may bandang ari. 

Hindi ibig sabihin na hindi inaalagaang mabuti ang sanggol na may diaper rash. Ngunit ang pagpapabaya nito ay maaaring maging resulta sa pagkakaroon ng yeast o bacterial infection. 

Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng rashes?
  • iritasyon sa diaper dulot ng pag-ihi at pagdumi
  • bagong nakain na pagkain
  • sensitibong balat
  • masyadong masikip na diaper
  • hindi madalas na pagpalit ng diaper

Narito ang ilang mga home remedies na safe at pwede mong subukan para masolusyonan ang diaper rashes ng iyong baby:

1. Petroleum Jelly
Ang paglalagay ng petroleum jelly sa diaper area ng iyong sanggol ay makakatulong na magkaroon ng protective coating ang sensitibong balat ng sanggol. Pinoprotektahan din nito ang pagkairita sa pag-ihi at pagdumi.

STEPS KUNG PAANO GAWIN:
*Linisin ang bahaging pwet at genitalia ng iyong baby gamit ang maligamgam na tubig
*Pagkatapos ay patuyuin ito ng mabuti gamit ang cotton na tuwalya.
*Mag-apply ng manipis na layer ng petroleum jelly sa mga sensitibong parte gaya ng singit, hita, at pwet
*Gawin ito lagi kung papalitan muli ang diaper ng sanggol

2. Baking soda
Ang baking soda ay may healing properties na kayang magpagaling ng diaper rashes.

STEPS KUNG PAANO GAWIN
*Maghalo ng 2 kutsarang baking soda sa 4 na tasang tubig upang makagawa ng mixture
*Kung papalitan ang diaper at huhugasan ang iyong baby, gawing panghugas ang ginawang mixture
*Siguraduhing patuyuing mabuti ang pwet ni baby bago lagyan ng panibagong diaper

3. Cornstarch
Inaabsorb ng cornstarch ang moisture sa diaper area ng iyong baby. Makakatulong itong iwasan ang pagka-dry at mababawasan ang pagkikiskisan ng balat na nagiging sanhi ng rashes.

STEPS KUNG PAANO GAWIN:
*Tanggaling ang maduming diaper at hugasan ang pwet ni baby gamit ang maligamgam na tubig
*Patuyuin ang balat gamit ang cotton na tuwalya. Hayaan munang matuyo pa ng maigi sa hangin.
*Ilagay na parang pulbo ang cornstarch sa diaper area bago maglagay ng malinis na diaper
*Gawin ito lagi kung magpapalit ng diaper hanggang maghilom ang mga rashes

4. Oatmeal
Ang oatmeal tumutulong na makapagpagaling ng pagkairita ng sensitibong balat. 

STEPS KUNG PAANO GAWIN:
* Maglagay ng 1 kutsarang dried oatmeal sa baby's bathtub o planggana 
*Ibabad ang ibabang bahagi ng sanggol na may rashes
*Gawing pampaligo ito sa kanya pagkatapos

5. Coconut oil
Ang coconut oil ay mayroong antifungal at antimicrobial properties kaya mainam itong gamitin para gamutin ang mga rashes. 

STEPS KUNG PAANO GAWIN:
*Mabisa ang coconut oil na gawing moisturizer. Mag-apply ng coconut oil sa diaper area ng sanggol maraming beses sa loob ng isang araw. 
*Maaari rin na mag lagay ng 5 kutsara ng coconut oil sa bathtub o planggana na gagawing pampaligo sa baby. Makakatulong itong labanan ang mga yeast na nagiging sanhi ng rashes.

Kapag ang kondisyon ng diaper rash ng iyong anak ay lumalala gaya ng pagkakaroon ng lagnat, pamamaga sa diaper area, matinding pamumula, pagsusugat at pagnanana agad itong ikonsulta sa doktor. 





























Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-