Skip to main content

5 Mabisang Natural Na Gamot Sa Mga Kagat Ng Surot!

Isa sa mga peste sa bahay ang mga surot na namumuhay sa mga sulok-sulok ng mga sofa, kama, rugs, at kurtina. Nabubuhay ang mga ito sa pamamagitan ng pagkain ng dugo ng tao o hayop.

Ang mga pesteng ito ay nangangagat sa parteng nakahantad habang ikaw ay natutulog. Maaaring sa leeg, kamay, mukha, balikat at mga hita. Ang mga kagat ay maliliit na grupo-grupo o kaya naman ay pa-zigzag na namumula, namamaga at makati.

Kung ikaw ay nakagat, subukan ang mga natural na pamamaraan na ito upang malunasan ang mga kagat ng surot sa iyong katawan:

1. Yelo
Ang paglagay ng yelo sa mga kagat ay nakakatulong sa pagmanhid ng mga dulo ng nerves. Ito rin ay nakakapagpakalma sa makating pakiramdam at pamamaga. Kumuha ng tipak ng yelo at ibalot sa tuwalya o bimpo. Ipatong sa apektadong bahagi at alising 10 hanggang 15 minuto. Ulitin kung kinakailangan.

2. Baking soda
Ang baking soda ay may sangkap na lumalaban sa pamamaga. Kaya nitong i-neutralize ang maasidong kemikal na sanhi ng pangangati. Gumawa ng paste gamit ang isang kutsaritang baking soda at tatlong kutsaritang tubig. Ipahid sa mga kagat ng surot at hayaan hanggang 10 minuto. Banlawan pagkatapos.

3. Kalamansi
Ang katas ng kalamansi ay likas na astringent na kayang patuyuin ang mga pantal. May sangkap din itong lumalabas sa pamamaga. Magpiga ng isa hanggang dalawang kalamansi. Ipahid ang katas nito gamit ang bulak sa mga apektadong bahagi. Patuyuin at banlawan.

4. Aloe vera
Dahil sa malamig at smooth na texture ng aloe vera, isa ito sa mga mabisang gamot sa mga kati-kati pati na rin sa mga kagat ng surot. Nakakatulong ito na maibsan ang matinding pangangati at mapabilis ang paggaling ng mga pantal. Hugasan ang dahon ng aloe vera at balatan. Kunin ang gel nito at ipahid sa mga pantal. Ilagay sa ref ang natirang gel at pwede itong gamitin ilang beses araw-araw. 

5. Apple Cider Vinegar
Ang apple cider vinegar ay may anti-inflammatory properties na tumutulong maibsan ang pangangati at pamamaga. Kumuha ng bulak at ipahid ang suka sa mga apektadong lugar. Hugasan matapos ang ilang minuto. 





Comments

  1. ano ang ipapahid sa katawan para hndi makagat ng surot?... kung sa lamok ay off lotion... anu nman sa surot?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl