Ang nerbyos ay isang kundisyon sa utak. Ito ay maaaring natural na tugon ng ating katawan kung tayo ay nakakaramdam ng pagkabahala o takot sa isang bagay.
Kapag ang isang tao ay ninenerbyos, tumataas ang kanyang stress level sa kanyang katawan. Ito ay maaaring magdulot ng pagbabago sa kanyang katawang pisikal, mental, at emosyonal.
Heto ang mga natural na pamamaraan na makakatulong upang malabanan at maiwasan ang mga sintomas ng nerbyos:
1. Pakalmahin ang sarili
Ang pagpapakalma sa sarili ay makakatulong upang matapos ang nerbyos o anxiety attacks. Ito rin ay makakatulong upang makapag-isip ng mabuti.
2. Huminga ng maayos
Huminga ng malalim at ng tama sa tulong ng iyong diaphragm. Ang pagpasok ng oxygen o hangin sa ating katawan ay nakakapagpabawas ng pagkabahala.
3. Magrelax muna
Ang pagrerelax ay makakatulong upang mahinto o mabawasan ang pagpapalabas ng stress hormone ng iyong katawan. Kapag ang stress levels mo ay nahinto o nabawasan, bababa din ang iyong pagkanerbyos.
4. Maglakad lakad
Kapag ikaw ay ninenerbyos, maglakad lakad ka muna. Sa paraang ito nalilihis ang isip mo sa mga nakakabahalang mga bagay.
5. Magpahinga
Sa paraang ang ito, napapahinga hindi lamang ang katawan pati na rin ang utak. Kung ikaw ay nagkaroon ng sapat na pahinga, mababawasan ang iyong pagkabalisa at ikaw ay makakapag-isip ng tama.
6. Iwasan pang mag-isip ng nakakatakot o nakakabahalang bagay
Ang sobrang pangamba ay ang pangunahing pinagmumulan ng nerbyos. Huwag mo nang takukit pa ang iyong sarili, sa halip ay ilihis ang isip sa ibang bagay at mag-focus.
7. Iwasan ang paginom ng kape, tsaa o softdrinks
Ang mga inuming ito ay may caffeine na nakakapagpataas lalo ng anxiety levels o pagkabalisa at nagiging sanhi ng dehydration. Kaya mas mainam kung uminom na lang ng tubig.
PAALALA: Ang stress ay kailangan din ng katawan upang maprotektahan ang sarili sa nakaambang panganib. Ngunit ang sobrang pagkabahala at pagkanerbyos ay hindi nagdudulot ng maganda sa katawan. Sa halip, pwede itong mauwi sa panic disorder.
Comments
Post a Comment