
Isang malaking pagsubok sa buhay ng mag-asawa ang makabuo ng bata lalo na kung isa sa kanila ay baog. Kadalasan, akala ng marami na kaya hindi mabuntis ang isang babae ay dahil may problema ito sa kanyang katawan para magdalang-tao. Ngunit pwede rin na ang lalaki ang may problema sa kanyang kakayahang makabuntis.
Ang mga sintomas ng pagkabaog sa mga lalaki ay hindi napapansin minsan. Ngunit kung nais niyo na talagang makabuo ng sanggol ng inyong asawa ay dapat mo nang ikabahala ito lalo na kung nararanasan mo ang mga sintomas na ito ng pagkabaog.
1. Pamamaga ng bayag
Ang varicocele ay isang kondisyon kung saan ang mga ugat na nakapalibot sa bayag ng lalaki ay namamaga. Kung napapansin niyo na may bukol o pamamaga ng inyong testicles ay agad ng magpasuri sa doktor dahil baka hindi lang ito sintomas ng pagkabaog kung hindi mas malalang s4kit.
2. Maliliit na b@yag
Ang pagliit ng b@yag ay maaring sintomas ng pagkabaog dahil hindi kaya ng iyong katawan na maglabas ng sapat na semilya upang makabuntis.
3. Problema sa ereksyon o pagpapatigas ng ari
Ang kondisyong ito ay tinatawag na erectile dysfunction. Kapag nakikipagt*lik, tumataas ang level ng iyong mga hormone na nagdudulot ng labis na pagtigas ng iyong ari. Kaya kung nahihirapan kang patigasin ito, maaaring mababa ang level ng iyong hormone na sanhi ng pagkabaog.
4. Isyu sa pagpapalabas ng semilya
Isang sintomas ng pagkabaog sa mga lalaki ang kahirapan sa pagpapalabas ng kanilang semilya o konti ang nailalabas nila matapos ang ilang oras ng pakikipagt*lik. Kaya kung nararanasan ito agad ng ipakonsulta sa doktor.
5. Pagkakaroon ng genycomastia
Ang kondisyong ito ay ang pagkakaroon ng malaking suso ng mga lalaki na hindi naman normal. At pwede rin itong isang dahilan ng pagkabaog sa mga lalaki.
7. Hindi pagtubo ng bigote at balahibo sa katawan
Normal sa mga lalaki kapag umabot na sa kanilang puberty stage ang tubuan ng bigote.balbas sa mukha at balahibo sa ibang parte ng katawan. Kung napapansin mo na hindi ka tinutubuan ay baka dahil abnormal ang level ng iyong hormones na dahilan ng pagkabaog.
8. Impeksyon sa ari
Kung ikaw ay nakakaranas ng komplikasyon sa iyong maselang bahagi, huwag na itong balewalain. Dahil kung hinayaan lang ito ay baka makaapekto lang ito lalo na sa pagbuo ng bata. Panatilihing malusog ang iyong katawan at ari upang tumaas ang tyansa na mabuntis mo ang iyong asawa at makabuo ng pamilya.
Ehh dati akong siklista kaya ko tinigil nakaranas ako mga pagkirot sa kaliwang bahagi ng itlog ko sintomas din ba yon ng pagkabaog?
ReplyDelete