Dadating talaga yung oras na mararamdaman mo na parang sobrang bigat ng yong katawan at wala kang ganang kumilos at magtrabaho. Ito ay isang senyales ng katamaran.
Hindi masama ang maging tamad paminsan-minsan. Ang masama ay kung nakaugalian mo na ito at nawawala ang iyong pagiging produktibo. Kaya heto ng mga tips paaano maiwasan ang pagiging tamad:
1. Iwasan ang pagpupuyat
Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay makakatulong upang gumising ka ng masigla at makakapag-isip ka ng maayos. Ang puyat ay nakakapagpabagal ng pagkilos ng katawan pati na rin ang isip.
2. Pagkain ng wastong pagkain
Ang pagkain ng mga pagkain masustansya gaya ng mga prutas at gulay ay nagbibigay ng enerhiyang ginagamit ng katawan. Kapag hindi masustansya ang iyong kinakain posibleng mabilis kang magutom, manlalambot ang katawan at tuluyang tatamarin sa pagkilos.
3. Unahing gawin ang mga bagay na pinakaayaw mo
Ayon sa eksperto, ang pag-una ng gawaing pinakaayaw mo ay makakatulong na maging madali ang iba pang mga gawain. Kaya sigurado na mas magiging produktibo ka.
4. Ugaliing maligo araw-araw
Mas nakakaganang magtrabo kung ikaw ay naligo dahil presko at mabango ang amoy mo.
5. Mag stretching at ehersisyo
Ang paguunat ng muscles ay kapag ikaw ay nakaupo ng matagal ay makakatulong upang dumaloy ng mas maayos ang dugo sa katawan. Ginigising din nito ang iyong diwa at inaalis ang pagkatamad.
6. Gumawa ng checklist para sa iyong mga gagawin
Ang paglista ng iyong gagawin ay makakatulong upang wala kang makalimutang bagay na dapat mong gawin at para alam mo kung anong ang iyong uunahin.
7. Iwasan ang pagpapaliban ng trabaho
Nakakadistract ang mga bagay kagaya ng pagce-cellphone o pag-iinternet sa mga bagay na dapat mong gawin. Isa itong malaking p@mat@y-oras dahil nauubos ang oras mo dito. Kung gusto mong matapos ang ginagawa mo, ipagpaliban muna ang paggamit sa mga ito.
Comments
Post a Comment