Nakasanayan nang ibang tao na pagkatapos kumain ay sasabayan ito ng pag-inom ng softdrinks. Lalo na kapag ito ay malamig at nagyeyelo. Nagdudulot kasi ito ng satisfaction sa iyong kinain at kaagad kang magdidighay pagkatapos mong inumin ito.
Ngunit sa kabilang ng sarap at tamis ng softdrinks ay nagdudulot ito ng masamang epekto sa ating katawan. Ayon pa sa isang pag-aaral na ang isang taong regular na umiinom ng softdrinks ay mas mataas ang tyansang dapuan ng mga sakit.
Narito ang mga rason kung bakit mo na kailangang iwasan uminom ng softdrinks:
Nakakasira ng ngipin
Mataas ang acid content at asukal sa mga softdrinks. At dahil dito ang mga inuming ito ay sinisira ang enamel sa ngipin na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng cavities o sira sirang ngipin.
Obesity o sobrang katabaan
Bukod sa mataas ang sugar content ay madami din itong calories. Kaya kung mahilig kang uminom nito ay mahihirapan kang magpapayat at mas tataas ang tyansa mong tumaba o maging obese.
Pagkakaroon ng mga sakit sa balat at maagang pagtanda
Kapag madalas kang uminom ng mga inuming may caffeine gaya ng softdrinks, mabilis na madehydrate ang iyong balat. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng mga wrinkles at dry na balat kaya agad kang nagmumukhang matanda.
Dehydration
Kung ikaw ay nauuhaw, mas mabuti kung iinom ka na lang ng tubig at iwasan ang mga matatamis na inumin gaya ng juice o softdrinks. Ang tubig ay kayang linisin ang loob at labas ng katawan, ngunit ang softdrinks ay nag-iiwan ng mantsa sa loob at ginagawang acidic ang katawan.
Osteoporosis
Ang mga carbonated na inumin ay ginagawang marupok ang mga buto sa katawan dahil wala naman talagang nutrisyong nakukuha dito gaya ng calcium na kailangan para sa pagkakaroon ng matibay na mga buto.
Pagkakaroon ng kakulangan sa bitamina o vitamin deficiency
Ang caffeine na sangkap ng mga softdrinks ang dahilan kung bakit pagkatapos mong uminom ay ihi ka ng ihi. Kaya ang mga nutrisyon sa katawan ay nailalabas lang at hindi naaabsorb mabuti.
Pagkabalisa
Ang isang regular na boteng softdrinks ay katumbas na ng isang tasang matapang na kape. Kaya kung uminom ka nito ay mahihirapan kang makatulog at nagdudulot ng pagkabalisa.
Problema sa bato o kidneys
Ang pag-inom ng softdrinks ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng UTI o impeksyon sa ihi ang isang tao. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa bato ang mahilig uminom nito dahil mataas ang phosporic acid content ng mga ito.
Comments
Post a Comment