Ang UTI o urinary tract infection ay ang pagkakaroon ng impeksyon sa daluyan ng ihi. Makakaranas ang isang taong may UTI nang hindi komportableng pag-ihi.
Ang mga sanhi nito ay:
- Hindi sapat ang iniinom ng tubig
- Pagpipigil ng ihi
- Pagkain ng mga tsitsirya o pagkain maalat
- Poor hygiene
Karaniwang ginagamot ito gamit ang antibiotic ngunit meron ding natural na paraan para gamutin ito.
Narito ang mga tips na pwede mong subukan upang gamuting ang inyong UTI:
1. Uminom ng maraming tubig
Kailangang uminom ng 8-12 basong tubig araw-araw. Sa pamamagitan nito nalilinis ang bladder at makakatulong na ilabas ang bacteria.
2. Uminom ng cranberry juice o buko juice
Nakakatulong ang cranberry juice upang maiwasan ang UTI ganoon din ang buko juice dahil sa diuretic properties nito o pampaihi.
3. Kumain ng pinya
Ang pinya ay nagpapataas ng acidity sa loob ng katawan na ayaw ng mga bacteria
4. Uminom ng Vitamin C
Gaya ng pinya, ang pagkain ng mga pagkain mataas sa vitamin C ay ginagawang acidic ang ihi. Makakatulong ito upang mabawasan ang bacteria sa katawan at malabanan ang mga ito.
5. Maghugas bago at pagkatapos makipag-sip!ng sa kapareha
Ang direct contact kagaya ng pagkikipagt@l!k ay isang paraan na kung saan pwedeng mapasa ang bacteria ng isang tao. Kaya mainam na siguraduhing malinis ang mga prib@dong parte ng katawan bago at matapos gawin ito.
6. Umihi ng madalas
Ang pag-ihi ay isang paraan upang malinis ang urinary system. Kaya huwag pigilan ang ihi.
7. Iwasan ang mga pagkain makakapagpalala ng UTI
Para maiwasan ang UTI ay kailangan ng tamang diet. Iwasan ang mga pagkain na maanghang, maalat, at may artificial sweeteners. Pati na rin ang mga inuming may caffeine, softdrinks, at may @lc0ho1.
8. Gumamit ng heating pads
Ang paglagay ng heating pad sa may puson ay makakapag parelax ng nararamdamang s@kit na dulot ng UTI.
Comments
Post a Comment