Lahat tayo ay nakakaranas ng ubo, mapa dry cough man o hindi. Ito ay maaring sanhi ng trangkaso, sipon, allergy, paninig@rilyo, pulmonya o tuberculosis.
At ang nakakabahala pa nito ay kung tumagal ang ubo ng ilang linggo o buwan dahil maaaring may iba na itong ibig sabihin o kaya naman ay may dala itong malalang karamdaman. Kaya heto ang mga natural na pamamaraan kung paano alisin ang nakakairitang ubo.
1. Pag-inom ng 8-12 na basong tubig
Ang tubig ay makakatulong sa paglilinis ng ating lalamunan. Pinalalabnaw din nito ang mga makapit at madikit na plema sa lalamunan.
2. Uminom ng mainit na salabat
Magpakulo ng luya sa isang tasang tubig. Inumin ito na paraang tsaa. Nakakatulong ito na bawasan ang pagkairita ng lalamunan.
3. Uminom ng tsaa na may honey at lemon
Ang paginom nito ay nakakatulong upang kumalma ang lalamunan. Mabisa ito dahil sa Vitamin C na ibinigay ng lemon na nagpapalakas ng immune system.
4. Iwasan ang mga nakaka-allergy na bagay
Karaniwan sa mga sanhi ng ubo ay dulot ng allergy. Ito ay pwedeng dulot ng usok, balahibo ng hayop gaya ng aso at pusa, matatapang na pabango, alikabok, at sa mga pollen ng mga halaman.
5. Isinga ang sipon
Kung ikaw ay sinisipon, isinga ito ng madalas upang hindi maging sanhi ng "nasal drip" o ang pagtulo ng sipon sa iyong lalamunan na nagiging sanhi ng pag-ubo.
6. Lumanghap ng moist na hangin
Pwedeng gumamit ng air humidifier sa loob ng kwartong naka-aircon upang hindi nagiging tuyo ang hangin. Pwede rin ang paglanghap ng steam galing sa mainit na shower o kaya naman sa pinakuluang tubig dahil pinapaluwag nito ang plema sa baga.
7. Maglagay ng 2 unan sa gabi
Bago matulog, maglagay ng 2 unan sa ilalim ng iyong ulo. Sa paraang ito, maiiwasan ang pagtulo ng sipon sa lalamunan. At nakakatulong ito sa maayos na paghinga.
8. Magpahinga
Ito ang pinakamabisang payo sa lahat para maka-recover ang iyong katawan.

Comments
Post a Comment