Para sa mga mag-asawa, ang pagkakaroon ng anak ay isa sa mga pinakamagandang biyaya na matatanggap nila. Ang anak ay bunga ng kanilang pagsasama at pagmamahalan na siyang kukumpleto sa kanilang pamilya.
Ngunit sa kasamaang palad, hindi lahat ng mag-asawa ay nabibiyaan ng anak. Mayroon pa ring mga couples na gustong gusto ng magkaanak ngunit nahihirapan silang makabuo.
Kaya narito ang mga tips na pwedeng subukan para sa mga babaeng nahihirapang magbuntis:
1. Bawasan ang pag-inom ng inuming may caffeine
Ang mga inuming gaya ng kape, tsaa o softdrinks ay mayroon caffeine na nililimit ang fertility o tyansang makabuo ng sanggol.
2. Iwasan ang bisyo gaya ng pag-inom ng al^k at paninig^rilyo
Ang paninig^rilyo at pag-inom ng al^k ay may direktang epekto sa abilidad ng mag-asawang makabuo ng anak. Ito ay may negatibong epekto sa fertility ng isang tao. At sa mga babae, tumataas ang tyansa nilang makunan o pagsilang ng sanggol na may birth defects.
3. Panatilihing malusog ang katawan ng mag-asawa
Ang pagkain ng balanse at masustansyang pagkain pati na rin ang pagkakaroon ng regular na exercise ay importante sa pangangatawan ng mag-asawa. Ito rin ay makakatulong sa lalaki na magkaroon ng healthy sperm cells.
4. Iwasan ang paggamit ng birth control pills
Ang mga gamot na ito ay pinipigilan ang posiblidad ng pagbubuntis. Maaaring kumunsulta sa doktor kung ikaw ay gumagamit nito at gusto nang magka-anak.
5. Umiwas sa stress
Nakakaapekto ang stress sa kalusugan ng tao. Kabilang na rin dito ang kakayahan na makabuo ng anak. Maaaring ang libido ay bumaba kung nasasabayan ng stress.
6. Makipagt^lik sa tamang panahon
Mataas ang tyansang mabuntis kapag ang babae ay nasa kanyang ovulation period 7 na araw mula sa huling araw ng regla. Sa panahong ito lumalabas ang egg cell ng babae mula sa obaryo kaya ito ang tamang oras para mag-siping ang mag-asawang gustong makabuo ng anak.
7. Huwag madaliin ang pakikipagt^lik
Bigyang ng oras at huwag madaliin. Dahil mas marami ang nailalabas na semilya gayundin ang orgasmo ng babae kung ito ay ginawa ng buo at hindi minamadali.
8. Iwasan a ng paggamit ng lubricants o pampadulas
Kadalasan sa mga ito ay "spermicidal" na pumapatay sa mga sperm cells ng lalaki. Kung nais gumamit nito, tiyakin na rekomendado ito ng doktor.
Comments
Post a Comment