Karamihan sa mga couples, ipinapakita ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng isang halik. Maaaring madami itong ibig sabihin ngunit pwede rin itong maging sanhi ng paglipat ng mikrobyo sa isang indibidwal.
Pero bukod sa pagpapatatag nito ng isang relasyon, ang isang halik ay madaming naidudulot na health benefits. Alamin ang mga ito!
1. Nakakapagpababa ng blood pressure
Sa paraan ng pakikipaghalikan, ang blood vessels ng isang tao ay nagdi-dilate. Sa paraang ito, gumaganda ang daloy ng dugo sa katawan na nakakapagpababa ng presyon.
2. Nakakapagpa-ginhawa ng sakit sa ulo at cramps
Dahil din sa pag-dilate ng blood vessels, nakakatulong din ito sa pagpapawala ng sakit ng ulo at cramps na dulot ng dismenorya.
3. Nakakabawas ng stress
Ang pakikipaghalikan ay naglalabas ng hormones na oxytocin, isang good hormone na pampakalma.
4. Sumusunog ng calories
Dahil sa pag-galaw ng mga facial muscles, ang isang halik ay isa na ring uri ng simpleng exercise na nakakapagsunog ng 8 hanggang 16 calories.
5. Pinapaganda ang mga facial muscles
Nakakatulong ang regular na pakikipaghalikan sa paghugis ng jawline at leeg dahil nawowork-out ang ilang facial muscles.
6. Panlaban sa cavities
Tumataas ang produksyon ng laway sa bibig sa pakikipaghalikan. Ito ay nakakatulong na i-neutralize ang acidic condition sa bibig na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng cavities. Ngunit isang paalala, na ang pakikipaghalikan ay maaaring magsalin din ng mga bacteria kung may masamang oral habits ang iyong kahalikan.
7. Pinapataas ang self-confidence
Sa paraang ito, nabo-boost ang self confidence ng isang tao. Dahil sa pagitan ng couple, silang dalawa ay mararamdaman ang appreciation sa bawat isa.
Ilang tips para maiwasan ang paglipat ng mikrobyo sa isang halik:
1. Ugaliin ang pagkakaroon ng good oral hygiene gaya ng tamang pagsisipilyo
2. Iwasan ang pakikipaghalikan kung ikaw ay may sakit gaya ng ubo, singaw, at lagnat dahil maaaring malipat mo ito sa iyong partner.
3. Magpasuri sa doktor para sa mga vaccination.
Comments
Post a Comment