Madalas mo bang problema ang maitim na kili-kili? Nag aalangan ka bang magtaas ng iyong kamay at nahihiyang magsuot ng sleeveless na damit?
MGA DAHILAN NG PAG ITIM NG KILI KILI:
Ang pagkakaroon ng maitim na kili-kili ay hindi sakit, subalit ito ay lubhang nakakahiya. Narito ang ilan sa mga pangkaraniwang dahilan ng pag itim ng kilikili:
-Madalas na pag-aahit o shave
-Matinding pawis
-Pag gamit ng isang partikular na deodorant na hindi hiyang saiyo
-Pagkaka ipon ng dead skin cells sa kilikili
-Pag suot ng masisikip na damit na nakaka cause ng friction sa kili kili
Isa rin dahilan ng pagkakaroon ng maitim na kili kili ay dahil sa sintomas ng diabetes, hormonal imbalance, pag-inom ng isang uri ng gamot o pagkakaroon ng cancer.
EPEKTIBONG PARAAN PARA PUMUTI ANG KILI KILI:
Maaring masolusyunan ang maitim na kilikili kung ito ay hindi naman dahil sa isang medikal na kondisyon. Subukan mong gawin ang mga sumusunod na paraan para pumuti agad ang iyong maitim na kili-kili.
1. Kalamansi o Lemon: Epektibong pampaputi ng kili-kili
Isa sa mga pinaka epektibong paraan ng pampaputi ng kili kili ah ang pag gamit ng kalamansi o lemon. Ito ay may kakayahang patayin ang mga mikrobyo tulad ng bakteriya. Ang kalamansi ay nakaka dry ng balat kaya huwag kalimutan maglagay ng moisturizer kung gagamitin mo ang kalamansi bilang pampaputi ng kili kili.
Maghiwa ng kalamansi o lemon at ipahid ito sa kili-kili sa loob ng ilang minuto. Para mas epektibo, lagyan ng asukal ang kalamansi bago ito ipahid sa kili kili para matanggal ang dead skin cells.
2. BAKING SODA
Ang Baking Soda at maaring gawing panghilod para maalis ang pangingitim ng kili-kili. Nakakatulong ito para maalis ang mga dead skin cells.
Mag halo ng baking soda at kaunting tubig at gawin itong paste. Ipahid ang paste sa kili kili ng 15 minutes bago maligo at pagkatapos ay hugasan ito.
3. Coconut Oil
Ang coconut oil ay pwede mong gamitin para mawala ang pangit na kili kili. Ang langis ay nagtataglay ng vitamin E na nagpapaputi ng maitim na balat.
Gawing panghilod ang coconut oil sa kili kili. Hayaan ito sa sa loob ng 10 minuto o higit pa. Hugasan ito ng tubig at sabon. Subukan gawin ito sa dalawa o tatlong beses kada linggo.
4. Pipino
Ang pag gamit din ng pipino ay nakakatulong upang mabawasan ang pag itim ng iyong kili kili. Mas epektibo ito at magkakaroon ng soothing effect pag ito ay pinalamig mo sa ref.
Ipahid ang isang manipis na hiwa sa kili kili. Maari mo ring kayudin ang pipino at ipahid ang katas sa kili kili. Gawin ito isang beses sa isang araw hanggang pumuti.
Comments
Post a Comment