Skip to main content

Epektibong Tips Para Maiwasan Ang Heat Stroke at Heat Exhaustion Sa Tag-init!

Sa tindi ng init ng panahon ngayon lalo na kung summer, ay hindi maiwasan ng karamihan na makaramdam ng sobrang init sa kanilang katawan o tinatawag na heat exhaustion. 

Ito ay isang warning condition na sinasabi na sobra na ang init sa katawan ng taong nakakaranas nito at kung hindi ito naagapan kagaaad ay maaaring mapunta sa mas malalang sakit na heatstroke. Ito ang pag-ooverheat ng katawan na kinakailangan ng agarang atensyong medical dahil maaaring makaapekto sa utak.

Eto ang mga senyales na ang isang tao ay tinamaan ng heat exhaustion at heat stroke.

* Pagkauhaw
* Matinding pagpapawis
* Panghihina at panlalambot
* Muscle cramps
* Pananakit ng ulo
* Pagkahilo
* Pagkahimatay o pag-collapse

Narito ang mga dapat gawin sa taong nakakaranas ng heat exhaustion at heat stroke:

1. Pumunta sa malilim o malamig na lugar
Kung ikaw ay nasa mainit na lugar at nakaranas ng heat exhaustion o heat stroke, makakabuting pumunta sa isang malimlim na lugar. Pwede ring pumasok sa kwartong naka-aircon upang lumamig ang pakiramdam. Pwede ring tumutok sa electric fan.

2. Painumin ng tubig
Isang rason kung bakit nararanasan ang heat exhaustion ay dahil sa kakulangan ng tubig sa katawan o dehydration. Uminom ng tubig upang ma-rehydrate ang katawan.

3. Tanggalin ang makakapal na damit
Kung makapal ang suot na damit, maaaring tanggalin muna ito pansamantala. Mas makakabuting magsuot ng sando, sleeveless o cotton na damit upang mapreskuhan at mahanginan ang katawan.

4. Magspray ng tubig
Ang tawag dito ay "misting," ito ang paraan ng pag-iispray ng tubig sa katawan upang mag-evaporate ang init sa katawan at lumamig ang pakiramdam.

5. Maglagay ng ice pack sa katawan
Mainam ang paglalagat ng ice pack sa mga parte ng katawan kung saan mataas ang temperatura gaya ng singit at kili-kili upang bumaba ang init.

6. Punasan ng basang bimbo ang noo
Katulad kapag nilalagnat, mainam ang paglalagay ng basang bimpo sa noo para bumaba ang temperatura ng katawan.

7. Humiga
Makakabuti na humiga at itaas ang mga paa na mas mataas sa lebel ng puso. Gumamit ng suporta gaya ng unan o tuwalya upang naka-elevate ang mga legs at paa. Sa paraang ito ay babalik ang normal na daloy ng dugo sa katawan.

8. Magpasuri sa doktor
Kung ikaw ay nakaranas ng sintomas gaya ng pagsusuka, pagkahilo, o nawalan ng malay, mas makakabuting magpasuri agad sa doktor dahil maaaring senyales na ito ng mas delikadong kondisyon, ang heat stroke.




Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…