Nahihirapan ka bang makatae o makadumi? Alam mo ba na kapag ang bituka natin ay naipunan ng dumi o tae na di naiilabas ay maari itong pagpugaran ng toxins, bacteria, fungi at kung ano-anong mikrobyo na maaring bumutas sa lining ng bituka.
Mga Dahilan o Sanhi ng hindi pagdumi o pagtigas ng inyong dumi:
1. Pagkain ng sobrang dami sa isang meal. Ito ang karaniwan na dahilan ng pagtigas ng iyong tae, kapag sobra sobrang ang inyong kinakain, nahihirapan kayong matunawan agad.
2. Kulang o walang sapat na fluid o tubig na iniinom sa isang araw.
3. Pagkain ng mga processed food, junk food, dairy food o pagkain na unhealthy.
4. Kakulangan sa pagkain na mayaman sa fiber .
5. Pagpapalipas ng pagdumi o pagpigil ng tae.
Ano ang Lunas o Remedyo sa pagiging constipated?
1. Uminom ng Prune Juice tuwing umaga at bago hapunan. Maari kang bumili sa supermarket ng mga organic prune juice na maari mo inumin para makatulong sa iyong pagdumi.
2. Uminom ng 2-3 litrong tubig sa isang araw. Mas maganda kung hydrogenated water ang maiinom. Pwede mo din itong lagyan ng lemon.
3. Uminom ng pineapple juice. Nakakatulong ang pineapple juice upang makapagdumi o makatae ng malambot. Siguraduhin na walang added sugar ang pineapple juice na iinumin.
4. Kumain ng Papaya dahil ito ay napakamabisa upang hindi mahirapan magdumi. Kapag kayo ay kumain ng isa o dalawang hiwa ng papaya sa gabi, siguradong lalambot ang inyong tae kinabukasan. Huwag mo lang sobrahan na iyong pagkain at baka masobrahan sa pagdumi.
5. Kumain ng Peras dahil ito ay mayaman sa fiber at sorbitol na makakatulong sa pagdumi. Ang fiber ang nakakapagbigay ng hugis sa dumi. Habang ang sorbitol naman ay nagbibigay ng tamis sa peras at naghahatak ng tubig sa loob ng bituka para lumambot ang pagdumi.
Comments
Post a Comment