Karamihan sa atin ang naghahangad ng healthy at fit na katawan. Ang solusyon dito ay tamang pagkain, diet at exercise.
Marami na rin ang sumubok ng iba't-ibang paraan ng pagpapapayat, ngunit ang hindi alam ng iba na ang mga ito ay imbes na makakatulong sa kanila ay lalo pang nakakasira ng kalusugan. Alamin ang mga pagkakamaling ito sa sa pagdidiet!
1. Iwasan ang CRASH DIET
Ang pagdidyeta ay ginagawa ng step-by-step at hindi minamadali. Ang pag-deprive sa sarili ng pagkain lalo na't kung ikaw ay gutom ay may masamang epekto sa katawan. Pwedeng mashock ang iyong utak, magiging mainitin ang iyong ulo, parating wala sa mood, o kaya naman ay pagiging matamlay o nahihilo.
2. Hindi pagkain ng almusal
Almusal ang pinakaimportanteng kainan sa buong araw dahil ito ang "fuel" mo sa pagsisimula ng araw. Ang taong hindi nag-almusal ay hindi makakapagconcentrate sa mga bagay na gagawin niya. At ang mangyayari pa ay kakain siya ng pakonti-konti hanggang sa di namamalayan na napaparami na pala ang nakakain.
3. Madalas na pag-inom ng juice o softdrinks
Ang pag-inom ng tubig bago kumain ay nakakatulong upang mabawasan ang mga calories na iyong kakainin. Ngunit dapat iwasan ang pag-inom ng sofdrinks o juice dahil ito ay may mga artificial na asukal na siya namang nakakataba.
4. Pagkain sa mga fastfood
Kadalasan sa kagustuhan nating kumain sa labas, ang hindi niyo alam na ang pagkain sa mga fast food restaurants ay nagiging sanhi ng pagiging mataba. Dahil ang mga pagkain sa labas ay mataas ang mga calories at asin. Kaya hanggat maaari, kumain ng lutong bahay para sigurado ka rin na malinis at healthy ang iyong kinakain.
5. Madalas na pagche-check ng timbang
Ang pagpapapayat ay kailangan ng pasensya at oras. Kung palagi mong tinitignan ang iyong timbang, maaaring maka-disappoint pa ito sa iyong pagdidiet. Kaya huwag ipressure ang sarili basta siguraduhing tama ang iyong pagdidyeta.
6. Hindi pageehersisyo
Ang hindi pageehersisyo ang siyang dahilan kung bakit nananatili kang mataba. Gawing parte na ng pang araw-araw mong routine ang pag-eexercise. Hindi lang ito nakakapayat kung hindi nakakaganda rin ito ng buong pangangatawan. Halimbawa, imbes na sumakay ka ng elevator, subukan mo ang umakyat sa hagdanan.
Ilan lamang ito sa mga pagkakamaling ginagawa ng mga nais magpapayat. Ang pagpapayat ay kinakailangan ng oras, pasensya, tamang nutrisyon at ehersisyo.
Comments
Post a Comment