Madalas ba sumakit ang inyong likod o kalamnan dahil sa lamig o pasma? Narito kung ano ang ibig sabihin niyan!
ANO ANG PASMA?
Ang 'pasma' o 'lamig' ay isang karamdaman kung kailan ang mga kasu-kasuan ay may sakit o kirot sa pakiramdam. Wala pang eksaktong kahulugan ang lamig o pasma, subalit ang salitang ito ay nag-ugat sa 'spasm'. Madalas din itong tawaging 'Musculoskeletal Spasm'.
SINTOMAS NG PASMA
-paulit-ulit na migraine o pananakit ng ulo
-pananakit ng kasu-kasuan
-malamig na pawis
-pamamanhid o pananakit ng katawan
-hindi maipaliwanag na pakiramdam o parang lalagnatin
-masakit na balikat hanggang sa may likod
-ngalay na pakiramdam sa balikat o likod
LUNAS SA PASMA O LAMIG:
1. Maligo ng dahon ng kamias
Maghanda ng dahon ng kamias at ilaga ito ng 15-20 minutes na may halong sapat na tubig. Gamitin ito panligo sa katawan.
2. Magpamasahe
Magkaroon ng regular na masahe para patuloy ang pagdurog ng mga lamig o pasma sa likod. Sa pamamagitan ng regular na masahe, nakakatulong ito para madurog ang mga namuong lamig o pasma sa katawan.
3. Magpa Ventosa (Cupping Method)
Isa sa pinaka mabisang paraan ay ang 'Ventosa' o ang pag gamit ng mga cup o baso para masipsip ang lamig at toxins ng katawan na namuo.
4. Acupuncture
Ang Acupuncture ay isa rin sa epektibong lunas para maalis ang lamig sa loob ng katawan. Importante mag pa-acupuncture sa mga eksperto para matukoy nila ang tamang lugar para mabawasan ang pasma.
5. Ugaliin na mag ehersisyo
Importante ang may sapat na ehersisyo sa katawan upang ma stretch ang mga muscles na nagdudulot ng ngalay sa inyong likod.
Thanks
ReplyDeleteVery useful
ReplyDeleteI love this information ,very useful
ReplyDelete