Isa ka ba sa mga nakakaranas ng sakit sa bato? Malamang ikaw ay nakaranas na ng pananakit nito at pansamantalang bumabagal ang pang araw araw mong gawain dahil sa pagkirot ng iyong nararamdaman.
May mga paraan pa na maari mong gawin upang makontrol ang sakit sa bato at huwag na itong humantong sa kidney failure.
Paraan Para Maiwasan at maprotektahan ang sarili sa Sakit sa Bato:
1. Uminom ng Maraming Tubig
Ugaliin ang pag inom ng 8-10 basong tubig araw araw. Kung ikaw ay mayroon ng sakit sa bato, mas mainam na uminom ka ng 2-3 litrong tubig kada araw. Ito ang pinakamadaling paraan upang maiwasan ang paglala ng sakit sa bato. Madadalas ang iyong pag-ihi na makakatulong upang maalisa ng toxinsa sa katawan.
2. Kumain ng Prutas na Mayaman sa Vitamin C
Kumain ng mga citrus fruits dahil ang mga ito ay masagana sa vitamin C na nakakatulong upang malabanan ang sakit sa bato. Makakatulong din ang pagkain ng gulay tulad ng bell pepper, sibuyas at repolyo.
3. Ugaliin ang pagdumi araw araw
Ang pagdumi ng regular ay nakakatulong sa atin upang mawala ang mga toxins at waste material sa ating katawan. Kung kayo ay madalas na constipated ugaliin ang pagkain ng mataas sa fiber, maari kayong uminom ng pineapple juice, kumain ng papaya o avocado.
4. Uminom ng sambong
Ang sambong ay ang isang mabisang halamang gamot sa sakit sa bato dahil ito ay nakakatulong upang magpanatili ng tubig sa ating katawan. Maari ka bumili ng sambong tea o gumawa ng iyong homemade tsaa at inumin ito upang maalis ang sobrang asin sa katawan.
Mga Dapat Iwasan Para Hindi Lumala o Magkaroon ng sakit sa bato:
1. Iwasan ang pagkain ng maaalat dahil natatangal nito ang calcium sa ating katawan. Isang sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa bato ay ang kakulangan sa calcium. Ang mga pagkain nadapat ninyong iwasan ay ang mga fastfood, processed meat, canned goods at pagkain na sobrang alat.
2. Iwasan ang sobrang stress dahil ito ay nakakapagpataas ng blood pressure na maaring magpalala sa iyong sakit sa bato.
3. Iwasan ang paginom ng carbonated drinks o mga drinks na caffeinated. Kung kayo ay mahilig uminom ng mga ito, maaring limitahan ang pag inom hanggang sa unti unti ninyo na itong matatanggal sa inyong sistema. Ito ang karaniwang nagdudulot ng kidney stones.
Comments
Post a Comment