Ang Highblood o altapresyon ay isang karaniwang sak!t ng mga Pilipino. Ito ang pinakamalaking sanhi ng heart dis**se at str0ke sa tao. Mapanganib ang high blood pressure dahil kapag ito ay napabayaan, ito ay ang maaaring magdala ng pinsala sa iyong puso at blood vessels.
Ang normal na blood pressure ng tao ay nasa 120/80 mmHg at kapag ito ay tumaas ng 140/90 mmHg ikaw mayroon ng high blood pressure na maaring magdulot ng mga sintomas na sumusunod:
- Pananak!t ng ulo
- Biglang paglabo ng paningin
- Pagkahilo
- Kahirapan o hinahabol na paghinga
- Pananak!t ng batok
- Panlalamig
- Panghihina ng tuhod o katawan
Kapag inaatake kayo ng mga sintomas na ganito, maaari kayong nakakaranas na ng altapresyon o high blood pressure. Narito ang mga pangunang lunas o First Aid na dapat ninyong tandaan kapag kayo ay inatake ng Altapresyon:
1. Magpahinga ng 15 minuto at itigil kung ano man ang iyong ginagawa. Subukan munang huminga ng malalim at mabagal ng ilang minuto. Mainam na umupo muna sa isang tabi upang hindi matumba.
2. Magpakuha ng blood pressure sa inyong kakilala o nurse sa opisina pagkatapos ninyong magpahinga ng ilang minuto. Siguraduhing marunong at tama ang pagkuha ng blood pressue. Kapag ito ay nasa 140/90, ito ay nangangahulugan na highblood ka na.
3. Kung kayo ay may maintenance medicine na inireseta ng doktor, maaari ninyo itong inumin.
4. Dahan-dahang uminom ng warm water o maligamgam na tubig upang makatulong sa pagpapaluwag ng inyong blood vessel o daluyan ng dugo.
5. Subukan magpabili at uminom ng pineapple juice dahil nakakatulong ito magpababa ng sodium levels sa katawan at mabisa sa pagpapababa ng presyon.
6. Maaari ka ring kumain ng mga pagkaing mataas sa potassium gaya ng saging, orange, o tomato juice na nakakatulong magbalanse ng blood pressure sa katawan
7. Mag-relax. Kung kayo ay nasa opisina o nasa labas, mas mabuting umupo muna at i-relax ang inyong katawan at antayin na bumaba ang blood pressure. Mabuti din na magpahinga sa well ventilated areas na may sapat na hangin upang kayo ay makahinga ng mabuti. Huwag magpapanic dahil posibleng tumaas lalo ang inyong blood pressure.
8. Kung kayo ay hindi makahinga, agad na sumaklolo ng tulong at magpadala sa ospital. Dahil ang kawalan ng oxygen ay kritikal para sa iyong katawan. At nangangailangan ng agarang atensyong medikal.
Help url
ReplyDelete