
Ang rayuma o arthritis ay sak!t na dulot ng pamamaga ng mga kasukasuan. Ang panan@kit, paninigas at pamamaga ng mga joints o buto ang mga pangunahing sintomas nito na siyang lumalala habang nagkaka-edad ang isang tao.
Bukod sa mga gamot na ipinapahid at iniinom ay mayroon ding mga mabisang alternatibong halamang gamot na pwedeng subukan upang maibsan at mabawasan ang implamasyon sa nararanasang rayuma.
1. Luya
Ang luya ay isa sa mga halamang gamot na maraming benepisyo. Ang matapang na amoy at anghang nito ay mabisa kontra sa implamasyon.
Gamitin: Pakuluan ang luya at gawin itong salabat. Inumin ito araw-araw. Makakatulong ito upang mabawasan ang pananakit ng mga kasukasuan. Pwede ring ipahid ang dinikdik na luya sa apektadong parte ng katawan.
2. Luyang Dilaw o Turmeric
Ito ay nakakatulong pahupain ang pamamaga ng arthritis o rayuma dahil nagtataglay ito ng curcumin na sangkap na may anti-inflammatory properties.
Gamitin: Gawin din itong salabat at inumin araw-araw.
3. Bawang
Ang bawang ay maraming benepisyo sa kalusugan ng tao. Isa itong natural na antibiotic at nakakatulong ito sa pagpigil ng impeksyon na dulot ng bacteria at fungi. Nakakatulong din ito sa paghupa ng implamasyon sa katawan na dulot ng rayuma.
Gamitin: Magdikdik ng bawang at pinahid sa bahagi ng katawan na masakit.
4. Mint o Yerba Buena
Mabisa ang halaman na ito sa rayuma dahil sa malamig na epekto nito sa katawan. Kaya naman madalas itong ihalo sa mga inumin at o ginagawang tsaa.
Gamitin: Magdikdik ng dahon at tangkay ng halaman at gawing pantapal sa mga nananakit na kasukasuan.
5. Tanglad o Lemongrass
Ginagamit ang halamang tanglad upang mawala ang lansa ng mga pagkain. Ang langis nito ay may mabisang substansya na pantanggal sa mga pananakit na dulot ng implamasyon.
Gamitin: Gawing pampahid o pangmasahe sa mga nananakit na kasukasuan ang langis ng tanglad.
6. Malunggay
Ang malunggay ay tinuturing miracle plant dahil sa dami ng benepisyong naidudulot. Siksik ito sa bitamina at sustansiya na kailangan ng katawan. Bukod dito, madami rin itong medicinal properties at nakakapagbigay lunas sa ilang uri ng sak!t gaya ng rayuma.
Gamitin: Pakuluan ang mga dahon ng malunggay at gawing tsaa. Inumin ito ng regular.
Comments
Post a Comment