Skip to main content

Mga Paraan Para Maiwasan Ang Pag-aaway Niyong Mag-asawa!



Imposible na ang dalawang taong magkarelasyon ay hindi nag-aaway. Dahil sa pagkakaiba-iba ng kinalakihan, paniniwala, at opinyon, natural lang na minsan ay hindi magkaunawaan.

Pero kung ang bangayan niyo ay nakakaapekto na sa inyong relasyon, mga anak at pamilya, maaaring mauwi ito sa hiwalayan. Kung ayaw mong mangyari ito, mayroon pang pag-asa upang maisalba ang inyong relasyon. 

Narito ang ilang mga tips upang maiwasan ang pag-aaway ninyong mag-asawa o mag-syota:

1. Mag-usap ng maayos
Komunikasyon ang isa sa mga importanteng pundasyon ng isang masayang relasyon. Kaya kung mayroon kayong problema, makakabuti na pag-usapan niyo muna ito ng masinsinan bago manisi kung sino ba ang may kasalanan. Iwasan din ang pagsisigawan dahil mas ma-iistress lamang kayong pareho. 

2. Matutong makinig
Ang masayang relasyon ay ang pagkakaroon ng mabuting pakikinig at pag-unawa. Imbes na kontrahin agad ang sinasabi ng iyong asawa matuto ka munang makinig sa kanyang sasabihin. 



3. Matutong magpasensya
Kung gusto mong tumagal ang inyong relasyon, dapat ay matuto kang habaan ang iyong pasensya. Dahil tao lamang kayong pareho, nagkakamali din kayo minsan. May mga maliliit na bagay gaya ng pagkalimot ng inyong anniversary o hindi agad nakapag-reply sa text ang pinagmumulan ng away, matutong magpalampas ng mga maliit na pagkakamali. 

4. Iwasan ang pagtataas ng boses
Minsan kung ikaw ay talaga namang napuno na at sobrang galit na ay mahirap kontrolin ang pagtaas ng boses. Ngunit ang pagsisigawan habang nag-aaway ay walang naidudulot na mabuti sa inyong dalawa. Maaaring makaapekto pa ito sa ibang taong nasa paligid niyo gaya ng inyong mga anak. 

5. Aminin ang nagawang pagkakamali
Ang pag-amin ng iyong pagkakamali ay hindi makakaliit sa iyong pagkatao. Kung alam mong may nagawa kang kasalanan maliit man yan o malaki, matuto kang humingi ng tawad at aminin ang iyong mali. Hindi makakatulong ang pagtakpan ang sarili dahil magdudulot lang it lalo ng "trust issues."

6. Matutong magpatawad
Kung ang iyong partner ay humihingi ng tawad at nagsisisi siya sa nagawang pagkakamali, matuto ka ring magpatawad upang hindi na lalo pang lumaki ang gulo. Kung hindi mo pa kayang patawarin, bigyan muna ng oras ang iyong sarili upang makapag-isip at makapagdesisyon ng maaayos.

7. Paghatian ang mga gawain at huwag mag-solo
Kung kayo ay mag-asawa na, dapat ay magkaroon kayo ng tamang hatian sa mga gawaing bahay. Pwedeng magsalitan kayo sa pag-aalaga ng bata o sa paghuhugas ng mga plato. Huwag solohin lahat dahil sa bandang huli, baka mawalan na kayo ng oras sa isa't isa.



8. Magbigay ng oras para sa isa't isa
Kawalan ng oras para sa isa't isa ang isa ring pinagmumulan ng away. Isipin mo na lang noong nagliligawan pa lang kayo ay halos ibigay mo lahat ang oras mo sa nililigawan mo, bakit ngayon ay hindi mo kayang gawin? Mag-iskedyul ng date o kaya naman ay bakasyon na makakatulong mawala ang inyong stress at mapatibay ang pagsasama. 

9. Maging tapat at pangalagaan ang tiwala ng isa't isa
Ang pinakaimportanteng pundasyon ng isang relasyon ay tiwala. Dahil kapag nasira ito, mahirap na itong ibalik dahil magkakaroon na ng lamat. Upang hindi masira ang tiwala sa isa't-isa, maging tapat sa iyong partner. 



Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-