Madalas bang nalalagas ang inyong buhok? Maraming dahilan ang pagkalagas at pagpapanot ng buhok. Maaari ito dahil sa mga sumusunod na factor na nakakadagdag sa pagkalagas at pagkanipis ng iyong buhok:
Stress
Isang dahilan ng pagkalagas ng buhok ay ang stress. Kung ikaw ay nakakaranas ng stress, maaring unti unting malagas ang iyong buhok dahil sa pagkakaroon ng shock cyle na nakakadulot ng pagnipis nito.
Hormonal Imbalance
Madalas na nararanasan ng mga babae ang hormonal imbalance at minsan nakakadulot ng paglagas ng buhok. Ito rin ay kadalasan nararanasan ng mga men0pausal women.
Paglagay ng kung ano-anong Hair Treatments
Ang madalas na pagpunta sa mga Salon at ang sobrang paglagay ng hair treaments at pag-style ng buhok gamit ang hair straightener o curling iron ang dahilan ng pagkalagas ng buhok. Maraming kemikal ang nakaka-sanhi ng pagnipis ng buhok kaya mas mabuting iwasan ito.
Hereditary Hair Loss
Maaari rin dahil may lahi kayo na nagiging manipis ang buhok. Minsan ang pagkalagas ng buhok ay hereditary kaya kailangan mo itong ingatan upang hindi tuluyan maubos ang iyong buhok.
MGA TIPS PARA MASOLUSYUNAN ANG PAGKALAGAS NG BUHOK:
1. Gata ng Niyog
Ang gata ng Niyog ay mayaman sa iron, potassium at essential fats. Nakakatulong ito na bawasan ang panlalagas at pagkasira ng buhok.
Paraan ng Paggamit:
Magkayod ng niyog at imasahe sa anit ang gata. Takpan ito ng hair cap at hayaan magdamag na nakababad ang buhok sa gata. Banlawan ito kinabukasan.
2. Puti ng Itlog
Ang puti ng itlog ay mayaman sa protina na nakakatulong sa pagtubo ng bagong buhok.
Paraan ng Paggamit:
Biyakin ang itlog at paghiwalayin ang puti at pula nito. Ihalo ang puti sa isang kutsarang Olive oil o coconut oil. Haluin itong mabuti at ilagay sa buhok. Iwan ito ng 30 minuto at banlawan ng mild shampoo.
3. Hair Oil Massage
Ang unang remedyo para mabawasan ang hair loss ay ang pag masahe ng iyong anit gamit ang hair oil. Ito ay nakakatulong para magkaroon ng sapat na blood flow sa inyong mga hair follicles na nakakatulong patibayin ang hair roots.
Paraan sa Paggamit:
Gumamit ng hair oils tulad ng coconut, castor, almond, o kaya naman olive oil at imasahe ito sa inyong buhok hanggang sa anit. Maaari mo itong ibabad sa iyong buhok magdamag at banlawan kinabukasan.
4. Magtake ng Fish Oil at Biotin
Ang Fish Oil ay nakakatulong upang maging makapal ang atin buhok habang ang Biotin supplement naman ay nakakatulong para makapagpatibay ng ating buhok. Maraming benepisyo ito sa ating buhok na nakakatulong sa pagpapakapal nito. Tandaan lamang ng magpakonsulta muna bago magtake ng kung ano anong supplement upang makasigurado.
Comments
Post a Comment