Skip to main content

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan




Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus. 

Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok.


Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan:

1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan. 


2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa kape o hot choco at lunukin ito upang mapasama ang tinik.

3. Subukan magmumog ng maligamgam na tubig na may asin upang dahan-dahang matanggal ang tinik na nasa lalamunan.

4. Huwag na huwag dudukitin ang tinik gamit ng kahit anong kagamitan dahil maaring maimpeksyon ang inyong linings sa lalamunan.

5. Pwede ka rin kumain ng 1-2 marshmallow upang mapasama ang tinik.

6. Subukang umubo dahil nakakatulong ang pwersa ng pag-ubo na tanggalin ang anumang nasa lalamunan.  

7. Kumuha ng isang kutsarang kanin at ihulma ito na parang bola saka mo ito lulunukin upang mapasama ang tinik na naiwan sa iyong lalamunan.

Paalala: Kung lahat ng ito ay hindi umepekto at sumasakit ang inyong lalamunan dahil sa tinik, mas mabuti na magpunta agad sa doktor at ipatanggal ito. Tandaan lamang na sa tuwing kakain kayo ng isda, siguraduhin ninyong alisin ang tinik kahit na pa ito ay maliit lamang.





Comments

  1. Ipakamot sa pusa o kya ung ipinanganak ng una ang paa(suhi)ipahaplos kung saan gawi natinik

    ReplyDelete
  2. tanamo tanamo tanamo sakit padin ehh. di na ako kakain ng isda

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pareho tayo kahit ano gawing ayaw pa rin kumain na nga ako cake at prutas ayaw pa din eh.

      Delete
    2. Wala kasi saging dito eh.
      Ngayon lang ako natinik ng isda

      Delete
  3. Anu p pwdi gwin lht to ginawa kuna

    ReplyDelete
  4. Ako din ngawa ko na lahat ala nandun pdin 2 days na sya nasa lalamunan ko hahaha ..

    ReplyDelete
  5. Nagawa Kona lahat . D pa din na tanggal tinik sa lalamunan ko

    ReplyDelete
  6. Natinik na naman ako kagabi pero walang nakita ang mga doctor,yung last na tumingin,specialist pa yun pero pakiramdam ko meron sa loob ng lalamunan.Noong una,wala din nakita sa endoscopy tools pero nawala din.Sabi nila kapag meron gas2 pakiramdam mo meron pa rin

    ReplyDelete
  7. Ngayun lang ako natinik ng isda , at andaming kanin na ang nakain ko pero wala paring epekto .

    ReplyDelete
  8. Huhuhu ako din po natinik ngayun. Naiinis na ako di matnggal ,dinukot ko ngayon..huhu

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Huwag Mag-iiwan ng Water Bottle sa Loob ng Sasakyan Dahil Ito ang Delikadong Maaaring Mangyari

Ang sarap nga naman bumili ng bottled water lalo na kung ito ay malamig at kung tayo ay uhaw na uhaw na. Karamihan sa atin tuwing bumabyahe ay kadalasang may dala-dala tayong mga water bottle. At karaniwan din nating nakakalimutan o iniiwan ang mga ito sa loob ng ating sasakyan kung saan ito ay umiinit kapag nakatutok ang araw sa sasakyan. Hindi lang masama sa ating kalusugan ang pag-inom nito kapag naiwan ito sa loob ng sasakyan kundi ito rin pala ay delikado para sa ating mga kotse.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-iwan ng water bottle sa loob ng sasakyan habang tirik na tirik ang araw ay maaaring magsanhi ng sunog dahil sa kemikal ng plastic bottle. Tulad nalang sa nangyaring insidente sa isang lalaki na ito.



Ayon sa lalaki habang nakaupo siya sa kaniyang sasakyan ay bigla na lamang niyang napansin na may umuusok mula sa harapang upuan. Sa paghahanap ng higit pang imbestigasyon ay napag-alaman na nanggagaling ito sa water bottle na nasisinagan ng araw at nagtamo ng dalawang butas sa kan…

Huwag Ninyong Ipagsabay ang Pagkain ng Instant Noodles at Softdrinks Dahil Ito ang Posibleng Mangyari sa Inyo!

Pamilyar ba kayo na kapag inilagay ninyo ang mentos candy sa isang bote ng coke ay nagkakaroon ng ito physical reaction kung saan ito ay maaaring magdulot ng eruption o ang pagsabog ng softdrinks sa loob ng bote nito?
Subalit alam niyo ba kung ano ang mangyayari kung kumain kayo ng instant noodles at uminom kayo ng softdrinks? 


Sa isang viral na kwento ng isang netizen na si Xiao Chao sa Hangzhou China, idinala ito sa emergency room matapos siyang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.
Ito ay nakaramdam ng pananakit ng kanyang tyan at pananakit ng kanyang balikat, bewang at likod. Sinubukan i-diagnose ng mga doktor ang kanyang kalagayan subalit hindi nila matukoy kung ano ang nagdulot nito. Binigyan ito ng mga gamot na pantanggal ng pananakit ng tyan subalit matapos ang ilang oras ay patuloy parin ang kanyang nararamdaman.


Sumailalim ito sa Abdominal xray upang malaman ng mga doktor ang sanhi ng kanyang abdominal pain. At ang kanilang nakita ay punong-puno ng gas ang loob ng k…

8 Na Paraan Kung Paano Mo Mapapasaya Ang Iyong Asawa (Misis)!

Ayon nga sa isang kasabihan, "A happy wife means a happy life." Maraming paraan kung paano mo mapapanatiling masaya ang iyong asawa. Ang pagiging isang mabuting asawa ay isa mga bagay na magpapatatag sa inyong relasyon.
Mayroong mga simple at maliliit na bagay na pwede mong gawin upang mapanatili mong masaya si misis! Narito at alamin ninyo!
1. Pagsabi ng "i love you" o "mahal kita" ng madalas
Ang simpleng pagsabi ng 'i love you' ay isa ng malaking bagay ng pagpapakita kung gaano mo siya kamahal. Kaya sabihin ito ng madalas at buong puso.

2. Respetuhin ang kanyang privacy at personal space
May mga oras na kinakailangan ng mga babae na magkaroon ng "me time" o ang pagkakaroon ng oras para lang sa kanyang sarili. Bigyan siyang oras na makapunta sa salon, magpa-manicure, magpa-spa o magkaroon ng oras para sa ibang bagay para siya ay makapag-relax. 
3. Tumulong sa mga gawaing bahay
Matagal ng nakasanayan na ang mga babae ang siyang gumagawa ng…