Nababahala ka ba sa pawisin mong kamay at paa? Minsan ikinahihiya ito ng ibang tao dahil hindi sila makapagholding hands o shake hands dahil basa ang kanilang kamay. At nagdudulot din ito ng masamang amoy kung pasmado naman ang iyong paa.
Ito ang mga natural na solusyon na pwede mong gawin upang matigil ang pag-papawis ng iyong kamay at paa:
1. BAKING SODA
*Maglagay ng tubig sa isang planggana o bowl
*Lagyan ng 2 cups ng baking soda ito at haluin
*Ibabad ang iyong kamay o paa kalahating oras araw-araw
2. KATAS NG KAMATIS
*Lagyan ng maligamgam na tubig ang isang planggana
*Maglagay ng 2 cups ng kinatas na kamatis
*Ibabad ang kamay o paa at kuskusin gamit ang kamatis
*Gawin ito sa loob ng 30 minutos araw-araw
3. TSAA
*Magbabad ng 5 teabags sa isang tasang mainit na tubig sa loob ng 10 minuto
*Palamigin ang katas ng teabag bago ilublob ang kamay o paa
*Hayaang nakababad sa loob ng kalahating oras
4. APPLE CIDER VINEGAR
*Maglagay ng 2 cups ng apple cider vinegar sa isang bowl ng tubig
*Ibabad ang kamay at paa sa loob ng limang minuto
*Banlawan ng malinis na tubig at sabon pagkatapos
5. BABY POWDER
*Kung katamtaman lang ang pagpapawis ng kamay, maglagay ng baby powder sa iyong palad
*Para sa pawising paa, ihalo ang baking soda at baby powder at gamiting pampulbo sa paa.
6. MALAMIG NA TUBIG
Ang tubig ay nakakapagpababang temperatura ng katawan at nakakabawas ng pagpapawis
*Uminom ng 10-12 na basong araw araw
*Pwede ring ibabad ang kamay o paa sa malamig na tubig 15 hanggang 20 minuto
7. PATATAS
Makakatulong ang patatas sa pagbawas ng sobrang pagpapawis.
*Maghati ng patatas at ikuskos ito sa sa pawising kamay at paa
*Hayaan matapos ang 30 minuto at hugasan
Mga dapat iwasan upang mabawasan ang pagpapawis ng iyong kamay at paa:
- Iwasan ang pagkain ng maanghang at matatamis na pagkain
- Huwag maglagay ng petroleum jelly sa iyong kamay at paa
- Umiwas sa pagkain ng sibuyas, bawang, at curry leaves
- Huwag takpan ang iyong kamay ng gloves kung hindi naman kinakailangan
- Umiwas sa mga caffeinated na produkto
- Magsuot lamang ng cotton fabric na damit
Comments
Post a Comment