Madalas bang pinagpapawisan ang inyong kili-kili? Nababahala na ba kayo sa sobrang pagbasa ng iyong kili-kili at nawawalan ka na ng kumpyansa sa sarili? May mga taong pinagpapawisan nang sobra kahit hindi naman mainit dahil maari na rin sa isang kondisyon na "hyperhidrosis" kung saan nagpapawis ng sobra ang isang tao.
Maraming dahilan ang sobrang pagbabasa ng kili kili kaya naman inilista sa artikulong ito ang mga sanhi ng pagpapawis ng kili kili at kung paano mo ito maiiwasan.
Narito ang ilang dahilan ng pagpapawis ng inyong kili-kili:
* Stress at pagkabalisa
* Kape, tsaa, at soft drinks ay isa rin sanhi dahil ito ang nag-aactivate sa nervous system para pagpawisan
* Ang regular na exercise ay maaari rin sanhi ng mabilis na pagbasa ng kili kili dahil sa regular na nareregulate ang temperatura ng katawan
* Hyperhidrosis o ang kondisyon na kung saan isang parte ng iyong katawan ay may sobrang pagpapawis na maaaring dulot ng thyroid problem, side effect ng gamot, o obesity
Paano Mawala ang Sobrang Pagpapawis ng Kili kili:
1. Gumamit ng anti perspirant
Isang simpleng solution ang paggamit ng anti perspirant na deodorant. Subukan ang iba't ibang anti perspirant para malaman kung ano ang epektibo sa iyong kili kili
2. Iwasan ang pagkain ng maanghang na pagkain
Ang pagkain ng maanghang o spicy food ay nakakatulong makapag-papawis ng ating katawan. Maaari mong iwasan ang mga maanghang na pagkain para makaiwas sa sobrang pagpapawis ng iyong katawan.
3. Magsuot ng maluwag na damit
Isang magandang solusyon ay ang pagsuot ng maluwag at cotton na damit upang mas maabsorb dito ang basa o pawis ng iyong kili kili
4. Gumamit ng Tawas
Isang epektibong paraan upang mawala ang pagbabasa at ang mabahong amoy ng kili kili ay ang paglagay ng tawas. Magpahid ng tawas powder o tawas crystal sa kili kili matapos maligo.
5. Magpahid ng Baking Soda
Ang paggamit ng baking soda ay nakakatulong upang mawala ang pagpapawis ng kili kili. Maghalo ng baking soda powder at konting tubing sa isang lagayan, haluin ito at ipahid sa iyong kili kili sa loob ng 20 minuto.
Tawas po ginagamit ko.. Pero pag nagtutubo na buhok sa kili kili ko ngpapawis na ulit sya
ReplyDeleteAko naman tawas ginagamit ko pero ganon parin
ReplyDeleteAko po kahit gumagamit ako Ng tawas ay nagpapawis pa rin tas Hindi ko po gusto ung Amoy Niya kapag nagpapawis na ung kili kili ko
ReplyDelete