Maraming beses na natin sinabi sa ating mga sarili na sisimulan na natin mag diyeta o magpapayat subalit hindi ito natutuloy dahil madalas tayong hanggang umpisa lang.
Karamihan sa atin hindi alam kung ano ba ang tamang paraan para magpapayat. Sa article na ito, ituturo namin sa inyo kung paano nga ba simulan ng tama ang pagpapayat at ang pinaka una niyong dapat gawin para makabawas ng timbang:
STEP 1
Gumawa na listahan kung kailan at ano ang gusto mong ma-achieve. I-lista ang lahat ng routine na gagawin kada araw sa isang linggo.
STEP 2
Magsimulang bawasan at limitahin ang sarili sa pagkain ng rice sa gabi. Unti unting bawasan o kalahatiin ang pag kain ng rice sa gabi. I-train ang katawan na kumain lamang ng half rice kada meal. Maaari mo rin palitan ang iyong white rice sa brown rice dahil ito ay mas healthy at hindi nakakalaki ng bilbil sa tiyan.
STEP 3
Mag simula ng isang exercise program. Maaari ka muna mag jogging ng 30 minutes sa unang araw, pwede rin aerobic exercise, brisk walking, zumba o kahit simpleng stretching lang basta pagpawisan ang iyong katawan. Gawin ito 3 beses sa isang linggo.
STEP 4
Limitahin o unti untiin na iwasan ang mga pagkain na nakakataba o nakaka-bloat. No Fastfood. No Chocolates. No Softdrinks or coffee. No Carbonated drinks. No Pasta. No rice (brown rice lang dapat). No Sweets. No Alc0hol. No Pork.
STEP 5
I-track mo ang iyong iniinom na tubig. Siguraduhin na uminom ng isang basong tubig sa umaga na may halong lemon. Tapos uminom ng isang basong tubig bago kumain, isang basong tubig 10 minutes matapos kumain. Dapat kayo ay makaka walong basong tubig sa isang araw. Ito ang sikreto ng pagkakaroon ng makinis na balat at flat na tiyan! Siguraduhin na may dalang tubig kahit saan man pumunta.
STEP 6
Matapos ang isang linggong pag eehersisyo o cardio exercise, maaari mo nang simulan ang pagwoworkout sa abs, legs o sa arms. Hindi mo kailangan mag gym para mawala ang taba. Kahit sa mga simpleng instructional videos lang online, sundin ang routine workout para sa abs, arms or sa legs ng kahit 2 beses lang sa isang linggo hanggang kaya mo na itong araw arawin.
STEP 7
Kumain ng 2-3 prutas sa isang araw, pwede kang kumain ng apple, banana, orange o pear sa isang araw kada snacks. Kahit bumili lang kayo ng mga fruit slices sa mga grocery store malaking halaga na yun para magkaroon ng sapat na sugar sa katawan.
STEP 8
Uminom ng 2 kutsarang apple cider vinegar, isang kutsarang honey, at isang kutsara virgin coconut oil at ihalo ito sa isang basong tubig. Nakakatulong ito upang maburn at mawala ang mga unwanted fats sa katawan. Kung ayaw mo ang lasa nito, pwede na rin ang pag inom ng warm water na may lemon.
STEP 9
Uminom ng Tea! Ang tea ay nakakatulong na masunog ang fats at makatulong para tayo ay makadumi ng maayos. Ito nakakapag increase ng body metabolism kaya mapapansin mo na ikaw ay magkakaroon ng weight loss.
STEP 10
Repeat all the steps. Kada Linggo or buwan, kapag nakakaligtaan mo na ang mga steps na ito
Comments
Post a Comment