Skip to main content

Pinakamahusay Na Paraan Para Maiwasan At Matanggal Ang Kuliti

Ang kuliti o stye ay isang namumulang pantal sa mata na kawig ng tagyawat. Hindi ito gaanong nakakatakot at serysong sakit, ngunit kapag ikaw ay nagkaroon nito ay pwede itong makagambala sa pang araw-araw mong gawain.

Hindi totoo ang kasabihan na kapag ikaw ay nagkakuliti ay nanilip ka ng kapwa. Ang dahilan ng pagkakaroon nito ay dahil ang mata ay mayroong maraming oil glands na maaaring matakpan ng dumi sa katagalan. Dahil dito mababarahan ito ng dumi na pangunahing sanhi ng pakakaroon ng kuliti.
Narito ang ilang mga tips na pwede mong gawin para mawala agad ang iyong kuliti:

1. Maghugas lagi ng kamay
Iwasang hawakan o kusotin ang mata kapag madumi ang iyong kamay. Ito ay maaaring magdala ng mikrobyo na pwedeng magbara sa iyong mata. Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig bago humawak sa mata. 

2. Huwag tirisin ang kuliti
Nakakairita ang may kuliti dahil sa hindi komportableng pakiramdam nito sa mata. Pero huwag na huwag itong titirisin dahil maaaring lumala lang ang problema. Pumunta na lang sa iyong doktor kung gusto mong ipatanggal ang nana.

3. Warm compress
Kumuha ng malinis na tela at basain ito ng maligamgam na tubig. Pagkatapos pigain ay ilagat ito sa apektadong mata sa loob ng 5-10 minuto. Gawin 3 hanggang 4 na beses araw araw. Nakakatulong ang maligamgam na tubig na tumunaw sa nana para mawala ang iyong kuliti.

4. Huwag munang gumamit ng make-up sa mata
Kung ikaw ay may kuliti, huwag munang maglagay ng make-up sa mata. Dahil maaari lang itong patagalin ang pagkawala ng iyong kuliti. Siguraduhin din na malinis ang mga kagamitan mong pang-make up dahil maaring ito ang sanhi ng pagkalat ng impeksyon.

5. Gumamit ng baby shampoo
Linisin ang iyong talukap ng mata gamit ang maligamgam na tubig na may baby shampoo. Gumamit ng cotton buds at ipahid ito sa may talukap. Pagkatapos ay banlawan. 
6. Itapon ang lumang make-up
Maaaring maging pugad ng mga mikrobyo ang mga lumang make up. Regular na hugasan ang mga brush at itap on na ang mga lumang make up na hindi ginagamit.


7. Gumamit ng teabag bilang hot compress
Kung ayaw mong gumamit ng tela, pwedeng gamitin ang mga teabag na pang hot compress. Ang green tea ay makakatulong para maalis ang pamamaga ng kuliti at meron itong anti-microbial properties na pumapatay sa mga mikrobyo.

8. Komunsulta sa doktor
Kapag ang iyong kuliti ay hindi natatanggal matapos ang ilang araw o linggo. Ipatinggin na ito sa espesyalista dahil baka kinakailangan na itong tanggalin ng isang propesyonal. At sundin ang mga gamot na ireresta para gumaling ang iyong matang apektado.








Comments

  1. Meron akong kuliti ngayon susubukan kong gawin lahat ng nabasa ko at ako ay bata pa lamang, promise po na gagawin ko po yan di ko na kukusutin ang mga mata ko pag madumi ang aking kamay at dapat laging malinis ang kamay ko kapag hahawakan ko ito sa ngayon di naman masyadong malaki ang aking kuliti or stye, siguro kung susundin ko ang mga tips na yan baka gumaling na kaagad ito at yan lang po ang aking maiicomment... bye!��

    ReplyDelete
  2. Paano kung 1month na hindi pa rin natatanggal ang kuliti? Ano po ang gamot?

    ReplyDelete
  3. ako pinabayaan ko halos naging 2months na ayun dna nawala yung bukol.. need na daw opera sabi ng doctor

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matigas po yung naging bukol nung sa inyo?

      Delete
  4. Sakin po kahapon Lang nagkaron

    ReplyDelete
  5. Pano po kung walang nana tapos dalawang buwan na ano pong gamot?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…