Ang pagkakaroon ng magandang pilik mata ay isang kagandahan sa mga babae na agad napapansin ng mga tao. Kaya karamihan sa mga babae ay may kahilingan na magkaroon ng mahaba at magandang pilik mata.
Bukod sa paglalagay ng fake eyelashes, mas gusto ng mga babae na magkaroon ng natural na mahabang pilik mata. Kaya naman narito ang epektibong paraan at tips para magkaroon ng magandang pilik mata:
1. Paglagay ng Castor Oil
Ang castor oil ay maari mong bilhin sa mga supermarket o local drugstore sa inyong bayan. Ito ay may ingredient na nakakatulong para sa hair growth.
Mag patak ng 1-2 castor oil sa cotton o cotton buds at ipahid ito sa inyong pilik mata tuwing gabi. Dahan dahan itong ipahid sa pilik mata upang hindi malagyan o mapatakan ng oil ang iyong mata.
2. Petroleum Jelly
Kung hindi ka makahanap ng castor oil sa iyong local na drugstore, maari ka rin gumamit ng petroleum jelly upang makatulong sa pampaganda ng pilik mata.
Mag lagay ng kaunting pertoleum jelly sa iyong daliri at i-apply ito sa iyong pilik mata, iwanan ito magdamag at hugasan ito kinabukasan.
3. Vitamin E capsule
Ang vitamin E capsule ay nakakatulong sa pagpapalusog ng buhok. Ang paglalapat ng langis na ito ay nakakatulong din para sa sirkulasyo ng dugo sa follicles sa iyong buhok.
Kumuha ng vitamin E capsule at butasan ito at pigain ang oil sa isang lagayan. Ipahid ang katas sa iyong pilik mata ng ilang minuto at hugasan ito pagkatapos.
4. I-trim mo ang iyong eyelashes
Maari mong i-trim ang iyong pilik mata sa isang beses sa bawat dalawa hanggang tatlong buwan. Magtrim lang ng maliit na bahagi upang pasiglahin ang follicles ng iyong pilik mata at makatulong para lumago ito ng mas mabilis.
Babala: Mag-ingat at siguraduhin na dahan dahan mo itong gawin.
5. Virgin Coconut Oil
Ang virgin coconut oil ay ang pinaka epektibong paraan para magkaroon ng magandang balat at magandang buhok. Pwede mo itong ilagay sa iyong pilik mata tuwing gabi upang makagpapabilis ng paglago sa iyong pilik mata.
Comments
Post a Comment