Madami nang naging kaso ng "failed marriage" sa panahon ngayon. At eto rin ang dahilan kung bakit madami nang pamilya ang nawasak.
Kung minsan, hindi lang ang mag-asawa ang naaapektuhan kung hindi pati na rin ang ibang miyembro ng pamily at lalo na ang mga anak. Heto ang mga top 5 na rason kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang mag-asawa.
1. Pagkakaroon ng extramarital affairs o kabit
Isa sa mga pinakamasamang magagawa mo sa iyong asawa ay ang mangaliwa, pambabae, o manlalaki. Ang inyong pagsasama ay nabuo sa pagmamahal at "tiwala" at kapag ang pundasyong ito ay nasira, mahirap na itong maibalik.
Ang pangagaliwa ay hindi lang ibig sabihin na nakikipagtalik ka sa iba, kapag nagkaroon ka ng "love affair" o relasyon sa ibang tao bukod sa iyong asawa, isa na itong paraan ng panloloko. At eto ang pangunahing dahilan kung bakit nasisira ang inyong pamilya.
2. Pagkawala ng interes
Mayroong ibang tao na mas matimbang ang tingin nila sa pisikal na kaanyuan. Kung ang iyong asawa ay ganito, talagang madali siyang mawawalan ng interes sayo. Pwede rin naman na kung hindi mo siya binibigyan ng atensyon at pagpapahalaga, talagang maghahanap siya ng iba lalo na kung madali siyang mahulog sa tukso.
Upang maiwasan ito, ipakita kung gaano mo siya kamahal at pinapahalagahan magbago man ang kanyang pisikal na katauhan. Ang pagiging supportive sa iyong asawa ay isa sa mga bagay na nagpapatatag ng inyong pagsasama.
3. Hindi pagtupad sa mga responsibilidad
Bilang mag-asawa, mayroon ang bawat isa sa inyo na responsibilidad. At mas lalong importante ang pagtupad sa mga ito kung kayo ay nagkaroon na ng anak. Kung ang isa lang ang gumagawa ng lahat ng mga responsiblidad na ito, sa katagalan ay magsasawa siya at baka maisipan nalang niya makipaghiwalay.
Sa pagsasama ng mag-asawa ay dapat pareho kayong nag-eeffort upang mapatatag ang inyong pamilya. Halimbawa, paghatian ang mga gawain bahay, magsalitan sa pag-aalaga ng inyong mga anak, at higit sa lahat pagkakaroon ng kooperasyon.
4. Pagkawala ng intimacy
Ang intimacy ay ang pagkakaroon ng pagpapalagayan ng loob sa iyong asawa maging sa pisikal, mental at emosyonal. Ito ang nagpapatatag sa pagmamahalan at pagsasamahan. Maging bukas sa opinyon ng bawat isa.
5. Kawalan ng pagpapahalaga
Isang rason kung bakit naghahanap ng iba ay dahil nawawalan sila ng atensyon at pagpapahalaga sa kanilang asawa. Nararamdaman nila na binabalewala lang sila at kadalasan ay nahahanap nila ang atensyong iyon sa iba. Kaya kahit maliit na bagay gaya ng pagsabi ng "thank you" ay sabihin ito.
Comments
Post a Comment