Skip to main content

10 Paraan Kung Paano Tanggalin Ang Pananakit Ng Likod!

Ang pananakit ng likod ay isa sa mga pinaka-hindi komportableng nararamdaman ng isang tao. Dahil dito, pwedeng maantala ang kanyang ibang gawain dahil hindi siya makapagtrabaho ng maaayos. 

Kadalasan ang mga nakakaranas ng pananakit ng likod ay ang mga nakaupo ng matagal, nakatayo ng buong araw, at mga nagbubuhat ng mabigat dahil hindi nasusunod ang tamang postura.

Dahilan ng pagsakit ng iyong likod:

1. Pagkabanat ng kalamnan o muscle strain
2. Maling posisyong sa pagtulog
3. Hindi pag-upo ng tuwid
4. Maling at sobrang pagbubuhat ng mabigat na bagay
5. Labis na timbang ng katawan
6. Osteoporosis at arthritis dulot ng pagtanda

Paraan na dapat sundin para mawala ang pananakit ng likod:

1. Magkaroon ng tamang postura

Dapat sundin ang tamang postura ng katawan upang maiwasan ang pananakit ng likod. Laging tandaan na dapat tama ang iyong tindig kung saan dapat nakatuwid ang likod at hindi nakakuba.

2. Mag-unat kung nakaupo ng matagal

Kung ang iyong trabaho ay kinakailangan kang nakaupo ng matagal o di kaya ay nasa mahabang oras ng biyahe, mag-unat muna ng 2-3 minuto upang ma-istretch ang mga buto at kalamnan. Mabuti rin ito upang bumalik ang tamang daloy ng dugo sa katawan.

3. Huwag yuyuko kung may bubuhatin

Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa likod ay dahil ang maling pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay. Kung magbubuhat ka, iwasan ang yumuko dahil pwedeng ma-strain ang iyong likod. Sa halip, ibaluktot ang iyong mga tuhod upang maabot ang iyong bubuhatin. Ang pwersa ng iyong katawan ay dapat nasa iyong hita huwag sa likod. 

4. Pumili ng sapatos na patag o flat

Kung panay ang pananakit ng iyong likod dahil ikaw ay nakasuot ng sapatos na may mataas na takong, makakabuti kung may dala kang pamalit upang mapahinga ang iyong mga paa at mabawasan ang strain sa iyong likod. Mas mainam na hindi lalagpas sa 1 inch ang takong ng iyong sapatos.

5. Iwasan ang paghiga ng nakatihaya

Isa sa mga dahilan kung bakit paggising mo ay masakit ang iyong likod ay dahil matagal kang natulog ng nakatihaya. Dahil ang lahat ng bigat ng iyong katawan ay napupunta sa iyong likod. Makakabuti na humiga ng patigil sa iyong kaliwa upang maging relax ang iyong mga muscles at para magkaroon ng magandang daloy ng dugo sa katawan.

6. Magbawas ng timbang

Ang pagkakaroon ng sobrang timbang ay isa sa mga dahilan kung bakit sumasakit ang likod. Dahil ang nahihirapan ang iyong likod na suportahin ang laki at bigat ng iyong tiyan. 

7. Pumili ng tamang lambot ng kutson

Hindi maganda sa ating likod ang paghiga sa sobrang lambot na kutson dahil pwedeng bumaluktot lang ang iyong spine. Iwasan din ang pagtulog sa papag o sahig.

8. Magpamasahe

Ang malumanay na masahe sa kalamanan ay makakatulong upang mabawasan ang sakit ng likod. Pwede ring ang hot compress o ventosa. Ngunit bago magpamasahe, siguraduhin muna na wala kang scoliosis dahil pwede itong magkaroon lang ng mas malalang komplikasyon. Magpasuri muna sa iyong doktor. 

9. Mag-ehersisyo

Ang pagkakaroon ng tamang ehersisyo ay makakatulong upang patatagin at patibayin ang iyong mga buto sa likod. Pwedeng gumamit ng foam roller upang unti-unting mamasahe ang iyong spine. Ito ang kadalasan ginagamit sa physiotheraphy at mga nagyo-yoga. Nabibili ito sa mga sporting goods na tindahan.

10. Magswimming

Ang paglangoy sa tubig ay isang napakagandang ehersisyo upang mawala ang sakit ng likod dahil tinatanggal ng tubig ang stress sa mga kasu-kasuan. Nakakatulong din ito na patataging ang iyong likod at core muscles ng katawan. 

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-