Ang scientipikong pangalan ng Labanos ay Raphanus sativus at nabibilang ito sa Brassicaceae family na kasama ang kale, broccoli at cabbage.
Ang labanos ay tinanatawag din na daikon sa ibang parte ng Asia at ginagamit din ito bilang pagkain at medecina. Ito ay isang root vegetable na madalas inaani sa Europe at China. Nagtataglay ito ng mga sumusunod Fiber,Vitamin C, Folate, Potassium, Magnesium, Copper, Calcium, Manganese, B Vitamin.
Ang Labanos ay nakakatulong sa ating kalusugan dahil ito ay nagtataglay din ng low calories, naturally fat-free, at mababa rin sa glycemic load.
Maraming benepisyo ang makukuha sa labanos. Narito 5 halimbawa na makakukuhang benepisyo sa labanos at kung bakit kailangan ninyo itong kainin ng madalas:
1. Para sa malusog na Puso
Ang mga tinatagalay na Fiber,Bitamina at Minerals ng labanos ay mabisa ito para sa malusog na puso.Pinapakita rin na pinababa nito ang kolesterol, kinokontrol ang diabetes at pinangangasiwaan ang antas ng blood pleasure at blood sugar sa katawan.
2. Para sa Malinis na kidney
2. Para sa Malinis na kidney
Ang labanos ay isa sa mga pinakamainam na gamot para mapigilan ang Urinary Tract Infection(UTI).Ang pag inom nito sa juice na may kasamang labanos ay mababawasan ang burning sensation na nararanasan o nararamdaman ng isang taong may UTI. at para rin sa mabilis na ikalulunas nito.
3. Pagpapayat o Weight Loss
3. Pagpapayat o Weight Loss
Ang labanos ay isa sa mga pagkaing pampabawas ng timbang.Dahil sa madaling nakakapagpabusog ang water at fiber content ng labanos at nagtataglay ito ng low calories kaya ituturing ito isa sa mga "best diet"foods.At maraming nutrisyon ang makikita sa gulay na ito.
4. Gamot sa Pagtatae
Maari ding gamitin ang labanos sa panggamot ng pagtatae.Pinapakuluan ang sariwang dahon ng labanos at ang pinaglagaan nito ay siyang pinapainom sa nakakaranas ng pagtatae.
5. Gamot sa Mabahong Paa
Nangangamoy ba ang iyong paa? Maaring gamiting panggamot ang bungang ugat ng labanos.Dikdikin lamang ang bungang ugat ng labanos at pahiran ito.
Pano po ung sinasabing pag inom ng juice na may kasamang labanos?!
ReplyDeletepag my acid reflux po ba bawal ang radish juice at kung my mga mentenance na mga gamot sa diabetis
ReplyDelete