
Madalas ba kayong matulog na nakatagilid? Alam niyo ba na ang pagtulog ng nakatagilid sa inyong kaliwang bahagi ay maganda pala ang benepisyo nito sa ating kalusugan.
Ayon sa mga health experts, ang pagtulog sa inyong left side o kaliwang bahagi ay ideyal upang magbigyan ng tamang pahinga ang inyong katawan at benepisyal pa ito sa ating kalusugan.
Narito ang limang rason kung bakit dapat kang matulog ng patagilid:
1. Mabuti ito para sa iyong spine at likod
Ang pagtulog ng nakatihaya o diretso sa iyong likod ay isang dahilan ng pagkakaroon ng masakit na likod pagkagising sa umaga. Dahil lahat ng bigat ng katawan ay napupunta dito at sa iyong spine. Kaya importante ang matulog ng nakatagilid upang marelax ang iyong spine at maiwasan ang pressure na napupunta sa likod.
2. Nakakatulong upang makahinga ka ng maayos
Para sa mga humihilik at nahihirapang huminga, mas mainam na matulog kayo ng patagilid partikular sa iyong kaliwa upang magkaroon ng sapat na hangin at airflow sa inyong baga. Ang pagtulog ng ganito ay mahalaga upang maiwasan ang sleep apnea o ang pagtigil ng hininga kapag natutulog.
3. Nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain o digestion
Ang paggalaw ng pagkain sa iyong tiyan o bituka ay mapapabilis kung humiga ka sa iyong kaliwang bahagi. Dahil mas madaling makadaan ang pagkain mula sa iyong maliit na bituka papunta sa iyong malaking bituka. Ayon sa mga eksperto, nirerekomenda din ang paghiga ng 10 minuto sa iyong kaliwang bahagi matapos kumain upang maiwasan ang food coma.
4. Makakabuti sa kalusugan ng utak
Ayon sa mga eksperto, ang pagtulog sa iyong left side ay nakakatulong upang mafilter ng iyong utak ang mga toxic waste at mabawasan ang pagkakaroon ng sakit na Alzheimer's Disease.
5. Nakakatulong sa magandang sirkulasyon ng dugo
Importante ang pagtulog sa iyong kaliwa dahil sa magandang benepisyong naidudulot nito sa katawan. Dahil tinatanggal nito ang pressure sa iyong pinakamalaking ugat malapit sa puso upang magkaroon ng sapat na sirkulasyon ng dugo sa buong katawan.
Comments
Post a Comment