Ang paglalagay ng halaman sa loob ng bagay ay isang magandang paraan para makapag bigay ng positive energy at 'warmth feeling' sa bahay. Bahagi ng feng shui ang paglalagay ng halaman sa paligid o loob ng bahay dahil ito ay nagdudulot ng good energy. Kung madalas mayroong negative energy sa inyong bahay, narito ang limang halaman na maari ninyong ilagay sa loob ng bahay upang magbigay ng positibong enerhiya araw araw: 1. Lucky Bamboo Ang lucky bamboo ang kadalasan na nakikita sa loob ng bahay o opisina. Ang halaman na ito ay may vertical shape na nagbibigay ng positibong enerhiya para sa lovelife, kalusugan at swerte sa buhay. Ang lucky bamboo ay tatagal kung ito ay ilalagay sa kwarto na may mahinang ilaw o hindi nasisikatan ng araw. Ilagay ito sa isang lagayan na may kaunting tubig upang mas tumagal ang buhay nito. 2. Money Plant Ang Money Plant ay kilala din na golden pothos, hunter's robe o silver vine na isa rin nakikita sa loob ng bahay. Ang halaman na ito ay nagdudulot ng positibong enerhiya sa iyong buhay. Ilagay ang halaman na ito sa isang corner upang mabawasan ang stress, anxiety at negative thoughts. 3. Aloe Vera
Ang paglalagay ng Aloe Vera sa loob ng bahay ay mabisa para panlaban sa bad vibes. Ayon sa mga eksperto, habang ang aloe vera ay lumalaki, naghihikayat ito ng swerte.
4. Lavender
Ang halaman na Lavender ay maganda sa ating bahay upang mawala ang malungkot ma vibes o depresyon. Kung gusto niyo ng masayang vibes sa loob ng bahay. Maglagay kayo ng lavender na halaman sa gilid ng bahay.
5. Rosemary Ang halaman na rosemary ay hindi gaanong nakikita sa loob ng bahay dahil na sa mahal ang halaman na ito. Ito ay nakakatulong upang mapalakas ang memorya ng isip at nakakapag paginhawa ng disposisyon. Maari ka rin maglagay ng usbog ng rosemary sa mga cloth bags at isabit ito sa loob ng bahay.
Comments
Post a Comment