
Ang mga stretch marks ay ang mga pekas sa balat na dulot ng sobrang pagka-unat ng balat dahil sa pagpababago ng timbang, biglaang pagpayat o pagtaba, pagbubuntis, stress, o sadyang namamana. Ang mga guhit na ito sa katawan ay pwedeng puti, mamula-mula o brown ang kulay.
Ilan sa mga ito ay kusang nawawala o kumukupas ang kulay, ngunit meron ding mga nananatili habang buhay. Minsan ang pagkakaroon nito ay nakakapagpabawas ng kumpyansa sa sarili ng isang tao.
Narito ang mga natural na solusyon kung gusto mong mawala ang iyong mga stretch marks!
1. Puti ng itlog
Ang protina sa puti ng itlog o egg white ay nakakaganda ng balat lalo na sa mga stretch marks.
PAANO GAMITIN:
- Ihiwalay ang puti ng itlog sa pula nito.
- Gamiting ang egg white sa pagpahid ng direkta sa iyong stretch marks tatlong beses sa isang araw hanggang kumupas ang mga ito.
2. Patatas
Ang mga patatas ay mayroong properties na kayang magpaputi. Ang katas nito ay nakakatulong ibalik ang glow ng iyong mga skin cells.
PAANO GAMITIN:
- Kumuha ng isang buong patatas at hiwain ito sa malalaking piraso
- Ipahid ang katas ng hiniwang patatas sa iyong mga stretch marks
- Hayaan itong matuyo at hugasan pagkatapos ng maligamgam na tubig
3. Katas ng aloe vera
Ang aloe vera ay isang halaman na may kakayahang magpaputi at imoisturize ang iyong balat.
PAANO GAMITIN:
- Maingat na kunin ang malambot at transparent na gel sa loob ng dahon ng aloe vera
- Gayatin ito at imasahe ito sa iyong mga stretch marks
- Pisain ang gel habang minamasahe para lumabas ang katas
- Imasahe sa loob ng 20-30 minuto at banlawan
- Gawin ito araw-araw
4. Castor Oil
Ang mga stretch marks ay dahilan ng kakulangan ng moisture at pagka-dry ng iyong balat. Pinakamabisa ang castor oil sa pagbibay ng moisture at pagpapakinis ng mga stretch marks.
PAANO GAMITIN:
- Magpatak ng castor oil sa iyong mga stretch marks
- Imasahe ito araw-araw hanggang makita ang resulta
5. Katas ng lemon
Ang lemon ay isang bleaching agent na kayang paputiin ang mga maiitim na parte ng iyong katawan. pati na rin ang iyong mga linya-linya sa katawan. Ito ay may natural acid na tumutulong pagalingin at bawasan ang mga pekas at stretch marks.
PAANO GAMITIN:
- Hatiin sa gitna ang lemon pang lumabas ang juice nito
- Imasahe sa circular motion ang katas ng lemon sa apektadong lugar
- Hayaaang masipsip ito ng balat sa loob ng 20 minuto
- Hugasan gamit ang maligamgam na tubig
- Maglagay ng moisturizer pagkatapos
6. Sugar scrub
Pwedeng gamitin ang sugar scrub bilang exfoliant na tumutulong sa pag-alis ng mga dead skin cells. Nakakatulong ito na pagandahin ang sirkulasyong ng dugo sa balat.
PAANO GAMITIN:
- Kumuha ng isang kutsarang asukal, mas mainam kung ito ay brown sugar
- Maglagay ng ilang patak ng coconut o olive oil at ilang patak ng lemon juice
- Haluin ang mga sangkap hanggang makagawa ng mamasa-masang scrub
- Ipahid at imasahe sa mga stretch marks sa loob ng 10 minuto
- Banlawan at lagyan ng moisturizer pagkatapos
I had stretch marks from pregnancy and previous stretch marks from my weight fluctuating and my marks are lightening up already, I've only used dermalmd stretch mark serum for about a month and I'm loving the results.
ReplyDelete